Kadarating ko lang pero thesis agad ang pag-uusapan namin.

"Right." Ngisi ko at tatayo na sana pero nauna s'yang tumayo.

Tiningala ko ang tangkad ni Lael. He smiled at me.

"What do you want? Ako na ang o-order." Aniya.

"Ah." Tumango ako at nag-isip ng gusto bago sinabi sa kan'ya.

Nang umamba akong kukuha ng bayad, umalis na si Lael kaya hindi ko natuloy. Sinundan ko s'ya ng tingin at mabilis nga s'yang pumila para maka-order. May dalawang nauna sa kan'ya kaya maghihintay pa s'ya.

Lael's wearing a pair of faded jeans, a black shirt, and a pair of white rubber shoes. Bagay sa kan'ya ang suot n'ya kahit simple lang. Maganda rin kasi ang kapit ng damit n'ya sa katawan n'ya. He looks like a model lalo na dahil sa tangkad n'ya.

He's not like Seve, Vaughn, and Tyrone. Ang mga iyon kasi, boyish ang pananamit at nasa uso. Lael looks like he doesn't care about all of that. Simple lang ang suot n'ya pero he still manages to attract other people's attention. Mukhang wala s'yang pakialam sa fashion pero para pa rin s'yang modelo.

That being said, I remember now that his uniform fits him perfectly too. It's weird to think that it adds to his appeal pero totoo ngang nakadagdag sa appeal n'ya 'yon.

Kaya siguro type na type s'ya ni Ynna.

Maging ang mga nakakakita nga sa kan'ya ro'n ay napapadalawang lingon dahil guwapo naman talaga s'ya. Malakas ang dating. He has a boyish aura na hinaluan ng pagka-manly. I wonder if he goes to the gym. Ang ganda rin kasi ng braso, torso, at binti n'ya. Parang mahilig mag-workout para mag-maintain ng figure.

When Lael came back, I immediately tried to pay for my drink.

"Hindi na." Aniya at ngumiti. "It's my treat."

Napataas ang kilay ko. 

"I don't let guys pay for me." Masungit kong sabi.

Ngumiti si Lael at binalingan na lang ang laptop n'ya imbis na tumingin sa akin.

"Then congrats. It's your first time." Tawa n'ya at binuksan ang laptop.

Umirap ako at ipinatong ang pera sa gilid ng laptop n'ya.

"Accept it or I'm leaving." Sabi ko.

Ako naman talaga ang humihingi ng pabor sa kan'ya pero wala na akong ma-isip na ipang-black mail pa. Why can't he just let me pay? 

Nakita kong kumuyom ang panga ni Lael pero nangingiti naman. Halata dahil nakikita ko ang multo ng ngiti sa mga labi n'ya. Narinig ko ang mura n'ya at ang iling bago tuluyang ngumiti at kinuha ang pera sa tabi ng laptop n'ya. I can see his dimples now.

"You don't have to curse me." Irap ko pero nangingiti na rin dahil nagtagumpay na bayaran ang binili.

"It's not for you." Tawa n'ya na hindi ko na lang sinagot at binuksan na rin ang sariling laptop.

Nasa unang parte pa lang kami ng ginagawa nang tawagin na ang pangalan n'ya para sa order namin. S'ya na rin ang kumuha no'n. While I was waiting for him, nasulyapan ko ang phone ko at nakita kong may message roon si Ynna.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora