Agnes' PoV
Naka upo ako ngayon dito sa upuan ko, waiting for our teacher. Isang oras pa ang bubunuin ko laban sa mga matatalim na tingin ng mga kaklase kong walang magawa sa buhay.
Problema ng mga ito? Ang tutulis ng tingin, they staring at me like they have their eyes with daggers. Parang kahit anong oras ihahambalos nila sa akin yung mga upuan nila tapos ibibitin nila ako ng patiwarik.
Sinuot ko ang hood ng jacket ko. Oo, naka jacket ako. Problema mo? Hmp. Eh sa gusto ko mag jacket eh, ang cool kasi tingnan.
Oo na! Oo na! Ginagaya ko na yung style ni Andrei. Tiyaka mas komportable pala kapag nababalot ang katawan pati ang ulo. Pakiramdam ko, walang matatalim at mapang husgang mga mata ang nakatingin sa akin.
Umob-ob na lamang ako sa desk na inuukupa ko. Maka idlip nga muna, medyo puyat pa ako eh.
Ilang minuto na rin akong naka ub-ob dito sa desk ko. Naboboring na ako. Bakit ba ang tagal tagal ng oras? Hyst! Napa aga lang talaga ako.
Nag mumuni muni pa ako ng biglang nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng jacket.
Frienny calling....
"Hello, Erica? Napatawag ka?" Tanong ko sa kaniya. Problema nitong babaeng to?
"Hi frieeennyyyy!!!" Masigla nitong tugon sa akin, na parang walang kadugtong na tanong yung sinabi ko.
Bingi lang? "Napatawag ka?" Pag ulit ko sa tanong ko kanina, "May problema ba?"
"Walang problema, Frieny. Pero ikaw may kasalanan ka sa akin." Nag sususpetya ang tinig nito,
"Di mo sinabi sa akin na nagkakamabutihan na pala kayo niyang si Andrei. Frienny, ang daya daya mo. Hindi mo sinabi sa akin!" Nagtatampo na ang bratatat niyang boses.
"Baliw... hinidi ko lang naman nasabi saiyo kasi akala ko di ka interested." Pagpapaliwanag ko.
Para yun lan----
TEKA! PAANO YUN NALAMAN NI FRIENNY? HINDI KO PA NAMAN SINASABI SA KANIYA AH! "Hoy frienny, paano mo yun nalaman?" Usisa ko.
"Hoy ka din! Frienny mo ako diba, para namang wala akong tenga riyan sa tabi tabi hahaha" May pag ka bruhilda rin itong bestfriend kong ito eh. Baliw.
"Sino ang nagsabi---"
"Mamaya ko na sayo sasabihin." She said,
"Wow ha, di pa sabihin ngayon. By the way may kailangan ka pa ba?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Oo sana eh. Di ko magets yung last lesson ni Sir Bautista. Para kasing baliw eh! Nakaka inis! Alam kong madali lang naman iyon, pero I can't understand eh!" Naiirita na ito, "Can you help me?"
"Oo naman, what are friends for, right? O sige, mamaya itetext ka na lang namin kapag uwian na. Sa bahay na lang tayo mag-aaral at mag rereview." Paliwanag ko.
"Hindi na ako sasabay sainyo. I will go na lang there sa bahay niyo. Okay?"
"O, sige. Mamaya ha. 3 o'clock."
"Ok, byebye. Love lots"
"Bye. Love lots din" i said and end the call.
Napatunghay ako at agad kong tiningnan ang oras, 5 minutes na lang pala at magsisimula na ang suntukan, di joke lang. 5 minutes before magsimula ang klase.
YOU ARE READING
If Only I Can Live With You
FantasyEverything is almost fine... They're here... I'm happy with what I have... Then suddenly, things have changed. Do you know where a person will go after he/she dies? Is it in heaven? Down there? Or somewhere else where everyone is just a part of the...
