Chapter 3:

29 15 0
                                        

'kriiiiiinnnnnngggggggg!!!'

"Argh!!! I hate you Monday!" bungad ko sa umaga ng araw na kinamumuhian ko ng lubos!

Pumasok agad ako sa banyo at doon inasikaso ang sarili. "Pag ako talaga naging presidente ng Pilipinas, gagawin kong tatlong araw ang pahinga ng mga istudyante sa buong bansa." Inis na bulong ko sa sarili habang nagne-neck tie.

Bago tuluyang bumaba ay sinulyapan ko muna ang sarili ko sa malaking salamin sa gilid ng pinto binigyan ko pa ng ngiti ang sarili habang inaayos ang pagkakasuot ng eyeglasses ko. "Baka mamaya, mag-on na naman ang pagiging perfectionist ni mama." Bulong ko pa bago lumabas ng pinto at maglakad pababa.

Dala-dala ko sa kaliwang kamay ko ang mga librong kailangang kong dalhin para sa araw na 'to. "Ano pa nga ba ang mga dapat kong dalhin?" tarantang tanong sa sarili habang nag-iisip. Para namang sinindihang kandila ang mukha ko ng maalala ang bagay na yun. "YEAH! The scientific calculator!" mabilis akong umikot para bumalik sa kwarto at kunin ang naiwanan ko pero si mama agad ang bumungad sa akin.

Nakatayo ito at pinagmamasdan ako na para bang kanina niya pa ako pinapanood at hinihintay lang talagang humarap. Alanganin akong napangiiti dito at marahang kinuha ang sci-cal sa kamay niya. "Thank you, mama"

"Sa susunod kasi ay yung mga kailangan sa school muna ang aasikasuhin bago ang kung ano pa man, naiintindihan mo?" tango na lamang ang naging tugon ko sa sinabi niyang yuun dahil inilalagay ko sa loob ng aking bag ang lintik na calculator na yun, buti na lang mukhang maganda ang gising ni mama at wala siya sa hulog ngayon para magsungit.

Habang nasa hagdan kami pababa ay biglang nagsalita si mama, "Nabanggit sa akin ni Dan na naglabas ka raw ng sama ng loob kahapon nung hinatid niyo ang mga magulang mo."

Di ko inaasahang kakausapin ako ni mama tungkol dun, hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.

"Nalaman ko din na hindi mo na sila inihatid sa loob gaya ng dati." Patuloy ni mama nang hindi ako nakapagsalita. Malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ni mama bago magpatuloy, "Alam mo, Agnes, hindi gusto ng mga magulang mo na malayo sila sayo, hindi nila gusto na wala sila sa tabi mo habang lumalaki ka, hindi rin nila gusto ang ideyang unti unting nagtatanim ng tampo at sama ng loo bang anak nila."

"Lagi ko namang sinasabi sayo, diba? Lumalayo sila para magbigyan ka ng mas magandang buhay, gusto nilang maging maginhawa ang buhay mo. Kaya wag na wag mong hahayaang may tumubong malalim na tampo riyan sa puso mo, hindi mabuti iyon. Naiintindihan mo ba?"

Hindi ko namalayang nakarating na kami sa pasyo na papunta sa hapag kainan, natatanaw ko na sila ate at tatay.

"Naintindihan mo ba ang mga sinabi ko, Agnes?"

"Opo, mama."

Pumasok kami at ang alaskahan nila ate ang bumungad sa amin.

"Tito alam niyo po ba yang si Giselle ay may manliligaw na, parati'ng nakabuntot iyon sakaniya kahit saan siya magpunta, kulang naa lang nga'y samahan pa siya sa banyo." Ani ate Ginny,

"Hindi po yun totoo, tito. Parati lang yun nakasunod sa akin dahil may project kami pinag uusapan, huwag po kayong maniniwala kay Ginny," halatang napipikon na si ate Giselle.

"Maniwala kayo sa akin tito, may partners in projects bang nag hohold ng hands nila, tito?"

"Hindi kami naghahawak kamay, Ginny! Malisosyo ka lang talaga."

"I'm not malisocuises Giselle, I'm just honesty."

"Sinabi ngang---"

Naputol ang dapat na sasabihin ni ate Giselle nang sumabat si mama, "Tama na nga yan. Giselle, kung totoo man ang sinasabi ni Ginny ay dalhin mo dito iyang lalaking yan. Ikaw Ginny umayos ayos ka din. Para kayong mga bata."

If Only I Can Live With YouWhere stories live. Discover now