Chapter 5:

22 14 0
                                        

Library is my favorite place in our school and also in our house, and no one can repalce it.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay agad akong niyakap ng amoy ng mga pahina ng mga libro. Napapapikit pa ako habang marahang inihahakbang ang mga paa.

Books are much understanding than human. Even though thay can't talk, they are comforting me using the words that are written on their page.

Napamulat ako ng bumati ang librarian dito sa library 1, "Good morning, Miss Rossess," hindi na ako magtataka kung bakit ako kilala nito dahil sa lahat ng fourth year ay ako lang naman ang laman ng library bukod sa mangilan ngilang istudyanteng nanghihiram ng libro.

"Good morning, Miss" bati ko pabalik. Hindi pa man ako humihingi ay agad niya na akong inabutan ng library pass. Nginitian ko na lamang siya bilang pasasalamat.

Agad akong nagtungo sa lugar kung saan madalas akong pumupwesto sa tuwing magpupunta dito. Iniwan ko doon ang mga gamit ko at dinala ang extra skirt at undies na lagi kong dala. Siguro magtataka kayo kung bakit may dala akong extra na mga damit. Lagi kasi akong pinagtitripan, madalas ay nadudumihan ang uniform ko kaya naisipan kong laging magdala ng extra.

Nagpunta akong muli sa librarian para magpaalam kung pwede bang gamitin ang banyong nakalaan para sa librarian na naka assign. Iyon lamang kasi ang comfort room dito sa loob ng library. "Miss, can I use the comfort room?"

Nag-angat ito ng tingin sa akin saka sumilay ang napakaganda nitong ngiti, "Of course, come in" binuksan niya ang daan papasok ng librarian's corner.

Pumasok naman agad ako at agad na binuksan ang cr, "Thank you miss,"

"Basta ikaw," mas lumawak at gumanda pa ang ngiti nito na siya nang ipinagtaka ko.

Matagal ko na siyang kilala at matagal ko na din siyang nakakasalamuha pero ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganoon kaganda. Mas ipinagtaka ko pa ang pagsasalita niya ng tagalog dahil English teacher siya at pinapanindigan niya ang pagsasalita ng ingles sa loob ng campus.

"Mi—"magtatanong na sana ako tungkol sa napansin ko pero bigla itong tumalikod sa gawi ko at ipinagpatuloy ang pagsusulat. Wala na akong nagawa kahit pa lubos ang pagtataka ko. Pumasok ako sa banyo at doon ay binuksan ang gripo at hinubad ang jacket na nakapulupot sa akin at ang skirt.

Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng biglang bumukas ang pinto, dahilan para mapayakap ako sa sarili at maiharang ang mga damit na hawak sa dapat na harangan. "W-what are you doing here!?" utal utal kong tanong,

Napaiwas ng tingin si Andrei at makikita mo ang pagkapahiya sa mukha niya, "Take this,"

Napatingin ako sa kamay niyang nakahalad at may hawak na brown paper, "A-ano yan?"

"Just take it, okay?" inis agad na tugon nito.

Nang hindi ako gumalaw ay lumapit siya sa akin para abutin ang mga kamay kong nakayakap pa din sa sarili at pinilit ihawak doon ang paper bag. Pinasadahan pa muna niya ako ng tingin bago natutulirong umalis.

Tiningnan ko ang hawak kong paper bag at binuksan iyon. Gusto kong maiyak sa kahihiyan ng makitang binilhan niya ako ng napkin. Pero bago pa ako magdrama ay nilock ko na ang pinto at nagsimulang maghalf-bath.

Matagal bago ako natapos, "Thank you again, Miss," pasasalamat ko ulit nang makalabas. Tinanguan niya na lamang ako kaya walang lingong likod akong bumalik sa pwesto ko.

"Drakula?" tawag ko ng mapamilyaran ang pigura ng taong nakaupo sa bakanteng upuan ng puwesto ko, "Andrei?" paguulit ko ng hindi ito lumingon,

"Why?" sagot nito nang hindi ako nililingon,

Sa halip na tumugon ay naglakad ako papalapit dito at naupo sa kaharap na upuan. Tiningnan ko siya ng matagal bago magsalita, "Uhm, Andrei..." panimula ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin mula sa pagbabasa ng librong pagmamay-ari ko,

"What?" usal niya saka nag-iwas ng tingin,

"T-thank you, di ko alam kung paano ka papasalamatan sa mga ginawa mo kanina." Mahina man ay sigurado akong narinig niya iyon, nakababa ang tingin dahil sa kahihiyan na dumadaloy sa katawan ko.

"Nothing to be thanks, I just did it because it's the best thing to do in that situation." Mahihimigan ang pagiging caring niya.

Dahilan para mapa-angat ako ng tingin dahil hindi ko yun inasahan. Ang akala ko ay sisiringan lamang ako nito, pero hindi.

Napangiti ako ng magtama ang tingin naming dalawa, "Alam mo bang ikaw pa lang ang gumawa nun sa akin?" agad na nanggilid ang mga luha ko kahit wala namang nakakaiyak, "Nang ginawa mo yun, naramdaman ko ang pagmamalasakit mo bilang kaklase na kahit kailan ay hindi ko naranasan at naramdaman sa iba. Salamat, Andrei."

"Why are you crying?" nag-aalalang tanong nito,

Natawa ako ng bahagya dahil sa kababawan ng luha ko, "Ewan ko. Pero salamat talaga," hindi ko namalayan na naglalakad na ako sa gawi niya at huli na para pigilan ang sarili kong yakapin siya ng napakahigpit, "Thank you"

Naramdaman kong natigilan siya at nanigas ngunit hindi niya magawang alisin ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. Napapabuntong hininga niyang hinawakan ang braso ko at pinisil iyon, "It's okay," tugon niya, "Oh ngayon pwede bang umalis ka na sa pagkakapulupot sa akin?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya, "Ang init mo, Andrei!" mahinang bulalas ko, "Okay ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo? Baka may lagnat ka," nag-aalala kong usal,

Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin, "I'm fine." Tugon niya,

"Fine? Eh kung iche-check nga ang temperature mo, baka umabot ka na ng kwarenta. Tara na, dadalhin kita sa clinic." Ani ko at dalidaling dinampot ang mga gamit namin.

Sinukbit ko ang bag ko sa likoran at ang bag niya sa unahan, "Let's go," kunwari'y galit kong usal nang hindi siya gumalaw, "Halika na, para mabigyan ka na ng gamot."

"Nah, I'm fine," Tugon niya at ibinalik ang paningin sa librong binabasa.

Lumapit ako sakaniya at inilapat ang palad sa noo niya pero agad ko ding binawi iyon dahil sa init, "Hindi ka okay, Andrei. Alam mo ba ang pagkakaiba ng salitang "fine" at "not fine" huh?" tanong ko dito ng may bahid nang pag-aalala at inis, "You're not okay, kaya halika na." akmang hihlahin ko na ang kamay niya ng bigla itong tumayo.

"You don't have to pull me," masungit na ani nito,

"Kailangan kang hilahin dahil ang tigas ng ulo mo," pagsusungit ko din,

"Tss," tanging sagot nito at akmang kukunin ang bag niya ng mapagtantong sa harapan ko iyon isinukbit,

"Ako na ang magdadala nito." Pagmamatigas ko, "Akin na 'yang librong yan," pagtukoy ko sa librong dala ko kanina bago pa man pumasok dito,

"I want to read it,"

"I-ipapahiram ko sayo yan, promise, ilalagay ko lang sa bag mo para wala ka ng bitbit. Akin na"

Inilahad niya iyon sa akin na agad ko namang kinuha at isinilid sa bag niya. "Halika na"

Hinawakan ko ang braso niya at marahan siyang inilalayan papunta ng librarian's corner para ibalik ang pass at pumirma sa log book. "Bye miss, thank you," iyon lang at naglakad na kami ni Andrei.

Ngunit, napatigil ako ng bigla niyang akong akbayan, "I'm dizzy," sabi nito pero hindi naman halatang nahihilo nga.

Maya maya pa ay mas bumibigat siya, kaya naman inihawak ko na lamang ang kaliwang braso ko sa bewang niya para mas maalalayan siya. "Malapit na ang clinic, Andrei, 'wag kang mahihimatay di kita kayang buhatin."

"I'll try," nakapikit na ani niya at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa loob ng clinic.

Akala ko, kasinungalingan ang sinabi ni Erica na mabait si Andrei, hindi naman pala, dahil kung hindi siya mabait ay hindi niya ako iisipin, hindi niya gagawin ang mga ginawa niya kanina.

I saw his other side now.

If Only I Can Live With YouWhere stories live. Discover now