Agnes' PoV
"Agnes, you know that I can't live without you? Hindi makokompleto ang isang ako kung wala ka sa buhay ko. Kaya please, sagutin mo naman ang tanong ko."
Pinagkatitigan ko ng maigi itong anak ng kung sinong nilalang na kaharap ko at nangungulit, sino ba to? Bakit kilala niya ako? Pero infairnes di maitatangging gwapo nga siya, pero pake ko ba! Ang tanong ko, ano ba'ng ginagawa namin dito? Ni hindi ko nga alam kung anong ginagawa ko rito, hindi ko naman kwarto ito ah?!
"Agnes? Do you still love me?" Malungkot nitong sabi habang nakayuko at hawak hawak ang mga kamay ko.
Ahhh yun pala yung tanong niya, akala ko kung ano na ang pinagsasasabi niya, yun lang pala psh. Bakit naman niya ako tatanungin---- WAIT?! ANONG SABI NIYA??!!!
"Ano po bang pinagsasasabi niyo jan? Sino po ba kayo? Bakit kilala mo ako? Tiyaka ano po ba ang ginagawa ko rito, hindi ko naman kwarto ito ah?" Sunod sunod kong tanong dito kay kuyang pinaglihi sa kaperpektuhan na nagtatanong kung mahal ko ba siya. Baliw na ata toh, ipasok ko na kaya 'to sa mental.
Agad na rumehistro ang lungkot sa kaniyang mukha. "Agnes," nanlulumo niyang saad habang hawak hawak ang kamay kong nakapatong sa gilid ng kama, "Why did you forgotten me? I'm doing everything I can, Agnes" kitang kita ko kung paano niya pigilan ang sarili para lang hindi tumulo ang mga luhang unti unting pumupuno sa gilid ng mga mata niya,
"Why do you have to do this?! I did everything I can. I did not criticize you, I accepted all, all that shit but I'm already tired. I'm tired of the repetitive role you have given to me. It's just over and over again. I'm tired..." nanlulumong dagdag nito na di ko alam kung sino ang kausap dahil sa kisame naman nakatingin. Lagot nabuang na nga.'
"Ano bang pinagsasasabi mo, kuyang pinaglihi sa kaperpektuhan—este kuyang di ko alam ang pangalan? Anong forgotten ang sinasabi mo jan? Sinong kausap mo? Okay ka lang ba? Kawawa ka naman, kahit ano ano na lang pinagsasasabi mo jan. Nabagok ka ba?" naguguluhan kong tanong.
"Tiyaka, why are you keep on shouting at me ba?! Inaano ba kita?! Kung may problema ka, dun ka sa barangay magreklamo wag dito sakin, kita mong nagpapahinga yung tao!" Pagkatapos kong sigawan si kuyang di ko alam kung sino ay tumayo na ako sa kamang hinihigaan. Mahirap na, baka makasapok ako ng lalaking pinaglihi sa kung saan.
Hahakbang na sana ako ng biglang may humila sa kamay ko at iyon ang naging dahilan upang mapaupo ulit ako sa kamang hindi ko rin alam kung sino ang may-ari. Lahat na lang hindi ko alam, psh.
"Hindi mo ba talaga ako maalala, Agnes?" madamdamin niyang tanong habang nakatingin sa mga mata ko. Nakaramdam ako ng pamilyar na kaba sa mga titig niyang nakakatunaw, oo di ako ice cream o yelo pero natutunaw ako. Pwede ring ice candy o ice drop.
Hindi ko alam pero hindi ako makapagsalita kaya't tango na lamang ang naisagot ko sa tanong niya. Hindi ko naman talaga siya kilala no, paano ko naman siya maaalala kung ngayon lang naman kami nagkita. Ilang baygon kaya ang nasinghot nito ni kuyang stranger, at parang nadrain masyado ang utak mabombahan nga ng tubig mamaya.
"Then, I'll show you how happy we are together before. When we were still together, happy, contented and in love" bigla na lang siyang umalis sa pagkakaupo sa bangko'ng kinauupuan niya saka lumuhod sa harapan ko. Enough lang para magpantay kaming dalawa, nakakahiya baka amoy patay na daga pa ang hininga ko, kawawa ulit siya.
Gustong gusto nang iiwas ng isip ko ang katawang lupa ko, pero susmiyo marimar! Itong hollow mascular organ ko na ang mismong nagdidikta na hayaan siya sa gagawin niya.
YOU ARE READING
If Only I Can Live With You
FantasyEverything is almost fine... They're here... I'm happy with what I have... Then suddenly, things have changed. Do you know where a person will go after he/she dies? Is it in heaven? Down there? Or somewhere else where everyone is just a part of the...
