Nang mawala sa paningin ko si tatay ay nagsimula na akong maglakad papalapit sa gate ng secondary campus. As usual matatalim na mga mata agad ang sumalubong sakin, kaliwa't kanan ang bulungan na para bang pinagchichismisan pa din nila ang mga kahihiyan ko noong mga nagdaang buwan at taon. Di pa din maka getover? Tsk,
Hindi ko na lamang sila pinagtuunan pa ng pansin at naglakad ng casual na para bang sanay na ako sa toxicity nila. Wala na sakin ang mga pang-aasar at pambubully nila tungkol sa physical appearance ko. I'm living with this kind of face since I born, I already knew what are my flaws and imperfections. I'm used to it.
Kagaya ng nakasanayan ko ay mas maingay ang silid namin kung ikukumpara sa mga bulungan sa labas na para bang hindi mo sila naririnig. Parang mga timang din talaga 'tong mga schoolmates namin dahil mukhang hindi ata nila alam ang ibig sabihin ng salitag bulong.
"Hey! How's your weekend, ugly? Parang mas pumangit ka yata?" umalingawngaw sa pandinig ko ang nakakabwesit na boses ni Stella.
"How's your weekend too? Parang mas humaba yata ang sungay mong demonyita ka" pagsagot ko sakaniya sa loob ng isip ko, eh sa wala akong lakas ng loob para sagutin siya eh.
"Oh sorry, sagad na pala ang pagkapangitan mo kaya wala na yang mas maisasagad pa," after she said those same old bitter things na yun, as usual sinundan yun ng nakakabinging halakhakan.
Ano namang nakakatawa sa sinabi niya? Tsk. Ang bababaw talaga ng mga kaligayahan nila, nakaka awa. Siguro kung ikukumpara ko ang kababawan nila sa plato ay mahihiya ito. Palibhasa'y mga sunod-sunuran, para silang mga tupa na pinapastol ng isang bruhilda slash demonyita.
Sa halip na bigyan pa sila ng atensyon ay dumeretso na ako sa upuan ko. Gaya ng dati, pasimple kong tiningnan ang upuan ko kung may kung ano-anong kabaliwan na naman ba ang inihanda ng mga epal na ito para sa akin. Pero himala yata'ng wala silang naisip na kabaliwan ngayon.
Wala kasing tinta, sticky notes, chalk dust o kahit na ano sa upuan ko. Buti naman. Agad akong naupo at naghintay na maupos ang oras sa pamamagitan ng pagrereview. By the way, classmate ko dapat ngayon si Erica, kasu dahil first subject ngayon ay nasa section F siya dahil pinagsa-swap ng mga adviser ang mga students para matest ang kakayahan nito pagdating sa pagfofocus kahit iba ng surroundings. Sa lower section ipinagpapalit ang mga student sa section-A at piling students lang ang napupunta sa section namin, isa sa mga napiling yun ang katabi kong ito.
He is Andrei Xi, a student from section-F, this guy kind of mysterious. He doesn't talk that much and he doesn't have any friend, well maybe he has but they doesn't hang out that much.
Balita ko yan daw ang pinakamatalino sa section nila pero madalas na umaabsent dahil sa pamilya. Aba'y ewan ko ba jan, hindi ko naman yan masyadong kilala. Ang alam ko lang ay isa siyang cold-blooded human being na parang laging nilalamig dahil sa porma nitong laging nakablack jacket at kung minsan naman ay hoodie.
Ilang minuto pa ang nagdaan at dumating na ang teacher namin, of course focus ako sa lessons nito, malapit na kaya ang final exam.
Hindi ko masyadong napansin ang oras at hindi ko namalayan na time na pala. Second subject na bakit hindi pa umaalis itong drakulang ito?
"Andrei?" Panimula ko
"Hm?" Tanging tugon nito
Masyadong tipid magsalita? Naka twenty words a day challenge ba ito? "Uhmm, matanong ko lang. Bakit hindi ka pa bumabalik sa room mo? Di ba swap na ulit kayo ni Erica kasi tapos na naman yung first subject?"
"Ang daldal mo." Sinulyapan ako nito saglit at agad akong inirapan. Aba? Bakla ba tong Bampirang ito? Sayang, gwapo pa naman. "Stop staring at me UGLY"
YOU ARE READING
If Only I Can Live With You
FantasyEverything is almost fine... They're here... I'm happy with what I have... Then suddenly, things have changed. Do you know where a person will go after he/she dies? Is it in heaven? Down there? Or somewhere else where everyone is just a part of the...
