"Sorry naman po tita." Paghingi ni ate Ginny ng sorry na may kasama pang pa-cute.
"Sorry po tita. Pero wala po akong dadalhin dito dahil wala naman akong manliligaw, academic purposes po lamang ang dahilan kung bakit lagi ko iyong kasama."
Naging tahimik na sila nang magsimula na kaming kumain, well, except for ate Ginny na tumigil nga sa pang aalaska pero hindi sa pagbukas ng kung ano anong topic.
"Hindi po ba next weeks na yung bornday ni Amels, tita? Ano pong plano niyo?" pagkakuwan ay tanong ni ate Ginny.
"Next week?" kapagkuwa'y sabat ko, "Malapit na ho pala."
"Wala pa naman kaming plano pero baka maghanda na lang kami ng simple gaya ng dati." Si tatay ang tumugon.
"Siguro po ay namimiss niyo na si Amelia." Marahil ay masyadong tanga ang sinabi kong iyon dahil na nahimik sila.
Di nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng paglunok nina Ate, natatakot ata sila na baka ay mag iba ang mood ni mama dahil ganoon siya. Sa tuwing maaalala niya si Amelia ay natatablahan pa din siya ng lungkot at minsan ay nagagalit.
"Alam mo kasi, anak. Kahit na sinong magulang ay hindi kayang hindi mamiss ang anak nila." Matagal bago nakatugon si mama, "At yun ay katotohanang kahit na sino ay hindi mababago." Doon sumilay ang malungkot niyang ngiti.
"Kaya mabuting nandito kayong tatlo ng mga ate mo para iparamdam samin na may mga anak kami. Naiparamdam niyo saamin kung paano mahalin at magmahal ng mga anak." Pilit na pinasasaya ni tatay ang boses niya kahit halata namang may halo itong lungkot.
"Sorry po, naalala niyo na naman tuloy si Amelia dahil sa'kin" sinserong hingi ko ng tawad.
"Naku! Okay lang yun, sissy Pam-pam, wala namang araw na hindi nila naaalala si Amels." Sabat ni Ate Ginny,
"Okay lang yun, Pam" malungkot din ang boses ni Ate Giselle.
"Sha, bilisan mo nang kumain, maaga pa ang pasok mo, buti yang mga ate mo't mamaya maya pa." Mayamaya ay ani ni mama ng mamayani ang sandaling katahimikan, tumango na lamang ako bilang tugon at nagpatuloy sa pagkain.
Si Princess Amelia ang anak nila Tatay Dan at Mama Loly. 17 years old palang si mama ng mamasukan siya bilang katulong dito sa mansiyon ng aking Lolo't lola, mga magulang ni mom. Habang si Tatay naman ay 19 years old din ng mamasukan bilang putchero ng kalesa ng pamilyang Real, may mga kotse naman ang pamilya namin noong panahon ngunit bilang putchero lamang ang inapply-yan ni tatay dahil kabayo lamang ang kaya niyang kontrolin ng mga panahong iyon.
Masyado pa silang mga bata para maghanap buhay, pero kailangan dahil sa hirap ng buhay noong panahon. Simpleng magsasaka lamang ang mga magulang ni mama habang ang kay papa naman ay tagapangalaga ng mga kabayo sa kilalang pamilya sa bayan, kaya ng magbukas ang mansiyon na ito bilang isa sa pinakamalaking mansiyon sa buong lungsod ay maraming namasukan ngunit iilan lamang ang natanggap, dahil maselan kung pumili ng trabahante ang aking lola. Bukod sa gusto niya ang masipag ay gusto niya din ang tapat, mapagkakatiwalaan, at yung galing sa pamilyang naghihikahos ng labis para makatulong ang malaking ipapasuweldo sa mga ito.
Sa tagal ng paninilbihan nila mama at tatay sa pamilyang Real ay nakilala nila ang isa't isa. Di nagtagal ay nagkaroon sila ng relasyon na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, lalo na sa pamilyang Real.
Walang naging pagtutol sa bawat sides patungkol sa relasyon nila mama, sa halip ay tinulungan pa sila nila lolo't lola na magpakasal at mamuhay. Naging matalik na magkaibigan sina mama at mom, ngunit nabawasan lamang ang pagiging close nila ng pareho silang magkaasawa at magkaanak.
ESTÁS LEYENDO
If Only I Can Live With You
FantasíaEverything is almost fine... They're here... I'm happy with what I have... Then suddenly, things have changed. Do you know where a person will go after he/she dies? Is it in heaven? Down there? Or somewhere else where everyone is just a part of the...
Chapter 3:
Comenzar desde el principio
