Nginitian ko si Yve pero mukhang balisa siyang nakatingin sa table 8.

"Tulala nanaman si Yve, naaalala nya sigurong nagwala siya dati. Sabi sakin ni Mam Myrna ayaw daw nya kay Yve kasi nagkalat noon. Hiyang hiya siya sa ibang customer buti nalang customer si Yve noon." Ani Bryce.

"Kambal, parang nadaldal ka na ah?" Natatawang sabi ko kay Bryce.
"Eh kasi naman nakaka antok kapag hindi dumaldal. Bakit kaya hindi pa rin nagpapansinan sina Walter at Yve? May something ba sa dal'wa?"

Uminit ang tenga ko. Wala naman siguro. Halos araw araw at gabi gabi kami magkasama ni Yve. Yun na nga lang ang paraan ko 'e. Hindi ko siya maiadd sa facebook kasi hindi naman ako nag aadd.

'W-wala naman siguro."

"Wala? Daig pa nila jowa na mag LQ. Saka umamin sakin si Walter nung nakaraan, lalo daw siya sinipag pumasok nung nakilala si Yve ang masama pa neto-- ginagamit ni Walter si Mery para daw pagselosin si Yve. Sa tingin mo ba nagseselos si Yve? Tingnan mo o, naggatawanan si Mery at Walter. Nakatitig siya."

Nilingon ko si Yve. Nagpupunas siya ng lamesa habang ang atensyon ay na kay Walter. Posible kaya na may gusto si Yve kay Walter?

Sana naman hindi.

"Nasusura ako dyan kay Aga, masyadong pabibo at laging paepal kay Yve." Inis na sabi ko.

"Luh? May gusto ka ba kay Yve?" Takang tanong ni Bryce kaya napatingin ako sa kanya.

"Masama ba? Hindi naman siya mahirap magustuhan." Sagot ko.

"Puro kayo daldal dalwa. May mga riders oh!! Yve ikaw ang mag kaha!!" Sigaw ni Mam Myrna.

"Kabado ako ang daming customer Mery." Ani Yve.

LUMIPAS ang ilang oras, nakayanan ni Yve na magkaha habang ako naman ay patuloy na naiinitan na nagluluto nagulat ako nang lumapit siya matapos mag hugas ng kamay.

Pinunasan nya ang pawis ko sa noo at ilong.

"Seloso ka no? May pawis pati ilong,e." Anya.
Winagayway nya ang panyo na red. "Sorry labhan mo siya kasi nagamit mo na sa pawis." Tawang tawa na sabi nya.

KASABAY ni Yve si Aga na mag dinner break. Nainis ako kasi naging close din sila. Nalalandian ako masyado sa aga na 'yan lahat nalang nilalapitan niya kahit si Mery man o si Jen, kahit nga si Mickey masyado syang clingy.

Sabay naman kami ni Kuya Walter. Medyo awkward pero hindi naman ako galit sa kanya, naiinis ako kasi nagiging iba ang ugali nya. Willing naman ako maging competent para kay Yve.

"Sorry" sabay naming sabi ni Kuya Walter. Nagtawanan kami nang marealize na mukha kaming mga bata.

"Nice bati na sila!" Ani Bryce

"Nasusura talaga ako kay Aga." Sambit ni Kuya Walter.

"Ayaw mo talaga ng may kaagaw kay Yve, ay iyo?" Ani Bryce at tumawa.

Pikon na nilayasan kami ni Kuya Walter at nagpunta sa Kusina.

"Gago ka Bryce mamaya kayo naman mag away." Saway ko kay Bryce.

"I got your back, boto ako sayo para kay Yve. Nakikita kong nagbabago ka na" Sambit nya.

Oo, simula nang makuha ni Yve ang atensyon ko, wala na akong nakakachat na babae, wala na akong nakaka meet.

NANG magmadaling araw na, natutulog si Mam Myrna sa Personnel Office sakto at walang customer.

Kami ni Yve ang nag desisyon na sabay mag Breaktime.

"Higa ka dyan sa couch ako nalang dito sa lapag may karton naman." Sabi ko.

Tinitigan lang nya ako.

Same Ground [COMPLETED]Where stories live. Discover now