CHAPTER 24: The Party (Part I)

Start from the beginning
                                    

Gino: Here I am, ma…

Nakita niya si Gino na may bitbit na small platter.

Tita Alicia: Oh, iho… I miss you soo much…

Humalik sa pisngi nito si Gino at nagyakapan ng mahigpit ang dalawa.

Gino: Well, mukhang nakilala mo na po ang mahal kong girlfriend, ma…

Tita Alicia: Yes, iho. And I was just telling her to not call me tita… Mama is what I prefer… Ang mahal ng mga anak ko ay mahal ko na rin…

Hinawakan nito ang kanyang kamay ng sinabi iyon at ngumiti sa kanya. Napatingin siya kay Gino at sinasabi ng tingin nito ang “I told you so”.

Napangiti na rin siya.

Mikay; Sige po, mama. Kung ‘yun po ang gusto ninyo…

Tito Edward: Hey! Hey! What have I been missing here? She’s calling you mama already?

Maaliwalas ang mukhang tanong ng daddy ni Gino habang nakangiti ng maluwang. Agad siyang nakipagbeso-beso dito at yumakap naman si Gino.

Tita Alicia: Hay naku! Andito nanaman ang asawa kong makulit… Yes hon, I just told her to call me that…

Tito Edward: Well, it’s gonna be unfair if you’re not gonna call me daddy!...

Tumatawang sabi nito. Naisip tuloy niyang maaaring dito nagmana si Gino ng ugali.

Mikay: Okay, sige po, daddy…

Biro niyang sabi dito.

After that ay nagkakwentuhan din sila ng ilang sandali. They’re asking kung kamusta na siya. Kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Just basic things na pwedeng matanong. Si Gino naman ay nakikinig lang. Nakikisali sa usapan paminsan-minsan. Pero mas abala ito sa pagsubo sa kanya ng pagkain. Telling her she needs to eat…

Tito Edward: Iha, pag nagkakausap man kayo ng papa mo, sabihin mo sa kanya na past is past. Matalik kong kaibigan yang papa mo. At ayoko naman na hindi niya nakikita lahat ng kasiyahan na meron kayo ngayon…

Bahagya siyang ngumiti dito. Pero hindi siya kumportable sa usapan bagay na napansin ng mama ni Gino.

Tita Alicia: Hay naku… Etong asawa ko talaga… Hon, ‘wag na muna nating pag-usapan ang mga ganyang bagay dito sa party… Let them enjoy the night! Alam mo, buti pa sumayaw na tayo. Para naman mapakita ko sa lahat ang bago kong dance steps!..

Hinila nito ang asawa patayo at tumatawang nagpaalam ang mga ito sa kanila.

Napapangiti na lamang siya sa nakikitang pagsayaw ng dalawa sa dance floor.

Gino: I told you… They gonna love you…

Mikay: Hmp… Oo na! Tama ka na po!...

Gino: Oh, bakit parang inis ka?

Mikay: Kasi naman ‘yung iba jan hindi man lang magyayang sumayaw…

Gino: Eh ang bilis nung sayaw eh… Mamaya na lang pag sweet dance na…

Mikay: Hindi lang po pang-sweet dance ang beauty ko noh!

Nakita niyang napakamot ng ulo si Gino.

Gino: Eh Mikay, hindi nga ko marunong sumayaw eh…

Mikay: Hindi naman kelangang marunong ka eh. Tingnan mo nga sila oh…

Hindi na umimik si Gino. Mukhang naiinis. Siya naman ay napasimangot na lamang habang pinapanuod nila ang karamihan na enjoy na enjoy sa pagsayaw.

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now