Chapter 26.5

3.2K 91 2
                                    

AILWTBB 26.5: Apaka Sakit




Kaagad na nagsilabasan ang mga classmates ko ng biglang mag ring ang bell. Hudyat na dismissal na. Kaya kaagad kong inayos ang gamit ko dahil excited na akong makauwi dahil makikita ko na si mama. Wohoo! Makalipas ang ilang taon ngayon lang ulit mangyayari eto, yung may magulang akong sasalubong sakin pag-uwi ko bg bahay. Huling beses na nangyari iyun ay elementary pa lang ako. At ngayon ay dalagang pilipina na ako, hindi maalis-alis ang excitement sa mukha ko.


Pero sandali akong natigilan ng makita ko si Sir Harvey. At ngayon nga ay naglalakad ako na may dalang papeles para ihatid sa opisina. Oh diba ang galing! Kubg hindi lang talaga sya teacher sasamain sya sakin. Buti nalang at pasado ako sa subject nya.


"Wag kang dadaan sa mini garden." Biglang sumagi sa isip ko ang mga salitang iyun galing kay Kyle kanina tsaka nagpakawala ng malalim na paghinga. Ano naman kong makita ko sila? Okay nga yun, makakita ko ng live. Tsk!


Napailing nalang ako tsaka patuloy sa pag lalakad habang patuloy na kina-kalma ang sarili. Hindi ko alam kong ano ang makikita ko pero isa lang ang sigurado akong maramdaman ko. Ng mapansin kong malapit na ako sa garden, bumabagal na ang bawat pag hakbang ko, at pakiramdam ko din na bumibigat na ang pakiramdam ko.


Sandaling naagaw ang tingin ko matapos makita ang mga roses na nakapalibot sa garden. At tuluyan na nga akong nanghina ng mapadpad ang tingin ko kay Nikko habang kayakap si Jaime. 

Pakiramdam ko ano mang oras mapapa-upo nalang ako dahil sa sobrang panghihina. Gusto ko sanang magsisigaw at sabihing ako dapat ang nasa posisyon ni Jaime. Pero hindi eh. Tsk! Bakit ba kasi ganyan kayo? Nakakinis!



Mayamaya pa natigilan ako ng mapansin konh nakatingin na sa direksyon ko si Nikko kaya medyo nakaramdam ako ng kaba. Asyumera na kung asyumera pero ako lang ang tao dito sa lugar na'to bukod sakanila kaya malamang sa akin sya nakatingin.


Pero bakit ganun? Bakit nakuha ko pang ngumiti sakanya?. Tsk! Nagpakawala nalang ako ng malalim na paghinga bago dali-daling lumakad paalis dun sa lugar na yun.


Kung kanina ay halos di ako mapakali sa sobrang excitement, ngayon naman ay parang pasan ko ang buong mundo dahil sa panghihina ng katawan ko. Maging ang panggigilid ng luha sa mata ko ay nararamdaman ko na. Bakit ba kasi hindi ko sinunod yung bilin ni Kyle? Edi sana hindi ko nararamdaman to.

Mas ginusto ko pang maglakad pauwi. Pag nalulungkot ako.. gusto ko i-refresh yung utak ko kahit sa simpleng pag tingin sa mga kotseng nag dadaanan.


Makalipas ang ilang minutong pag lalakad, natigil ako ng mapansing naandito na ako sa bahay at nagulat din ako ng makita ko ang dalawang kotse na nasa tapat ng bahay namin. Mukhang alam ko na kung sino ang bwisita. At tama nga ako, andito yung tatlong bibe na halatang gulat pa na nakita ako pero inirapan ko lang sila bago nagtungo sa kusina.


"Andito na po ako ma!" Sabi ko tsaka niyakap si Mama na abala sa paghahanda.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon