Chapter 11.5

5.6K 125 1
                                    

Pagkatapos naming maka-bili ng panregalo daw nya. Nilibre nya ako dito sa isang coffee shop. First time kong napadpad dito pero masasabi ko na ang sasarap ng mga pagkain at drinks nila.


"Zein." Nag angat ako ng tingin ng tawagin nya ako."Ahm. Okay lang ba kung mauna na ako sayo? May lakad pa kasi sana kami ni dad." Napatango naman ako dun.

"Ah Ganon ba. Sige okay lang. Mayamaya nalang ako uuwi." Sabi ko at agad naman syang nag-nod.

"Sige. Salamat ulit sa pagsama sakin, sigurado ko magugustuhan nya yung regalo." Ngumiti lang ako as a sign of response.

"Sige, ingat ka." Sabi ko bago sya nagsimulang maglakad palabas.

Masyadong maaga pa para umuwi. Ma-bo-bored lang ako dun sa bahay kaya ayoko pang umuwi. Nakakasawa ang mukha ni Kuya.

Kinuha ko ang librong binili ko dun sa bookstore kanina tsaka nagsimulang magbasa. Actually mahilig akong magbasa ng mga books, most specially mga heroic fictions, pero gusto ko rin mag try ng bago kaya naisipan kong bumili netong teen fiction.

Natigil nalang ako sa pagbabasa ng may marinig akong nagsalita sa gilid ko at wala akong balak tingnan para alamin kung sino yun, dahil alam ko kahit na hininga nya.

"Hi baby." Yucks! Baby mo mukha mo.

Napairap nalang ako tsaka itinuon ang pansin sa pagbabasa. Bwiset pati ba naman dito mangungulit etong mga to? Wala man lang bang pa-day off dyan ha?

"Pati ba naman dito dinadala mo yang pagiging nerd mo." Napairap ako pero hinayaan ko lang syang magsalita.

"Snob naman neto, Paupo kami ha?." Tumaas ang kilay ko.

Kanina pa kaya sila nakaupo tapos ngayon palang sila mag papaalam sarap tuktukan sa testis.

Natigil nalang ako ng mapansin kong may kakaiba sa paligid. Na para bang may nakabantay sa galaw ko. Sandali kong inangat ang tingin ko. Pero bigla akong nag iwas ng tingin matapos mapagtantong nakatingin lang naman SAKIN si Nikko mahluvs. At ngayon ko lang din na-realize na andito pala si sya. Di ko naisip yun kanina.

Nagpatuloy lang akong magbasa para di mapag halataan.
"Asan na naman ba si Kurt?" Narinig kong tanong ni Kyle.

"Pinatawag daw sya ni Tito." sagot naman ni Jio.

Napatingin ako sa orasan ko. Alas-singko na pala ng hapon.

Isang malaking pvtang'na.

"San ka na pupunta?!" Tanong ng lider ng mga bibe ng mapansing tumayo na ako.

"Wala kang pake." Tapos kinuha ko nalang yung milk chocolate. Eh nasa paper cup naman, ayoko namang iwan ang sarap kaya, dito nalang talaga ako tatambay kung kelan.

Tapos dali dali akong umalis palabas. Kahit na labag sa kalooban ko kasi andun si Nikko.

Ng makarating ako sa may waiting area nag abang na kaagad ako ng masasakyan, eh magco-comute nalang ako, naiwan ko kasi yung phone ko sa bahay, kaya di ako matawagan ni Kuya.

Habang naghihintay ng masasakyan, may namukhaan akong babae sa loob ng resto na katapat ng tinatayuan ko ngayon. Tiningnan ko ng maigi, teka si Lissa yung ah? Napatingin ako sa may pinto nung resto, at kita ko rin si Kurt na papasok. Akmang maglalakad sana ako ng matapon ang milkchoco sa pantalon ko.

"Naku, sorry po ate." Pag hingi ng umanhin ng batang babaeng nakabunggo sa akin.

"Sige okay lang." Sabi ko nalang tsaka napasinghap.

"Sorry po talaga ate." Tapos umalis na yung batang nakabunggo sakin. Kung di lang talaga ako mabait sana basag na bungo nung batang yun.

Kinapa ko nalang yung bulsa ko para kunin yung panyo, pero wala akong makapa. Naiwan ko ata sa kung saan.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon