Chapter 40: For Real

33.8K 710 134
                                    



Nakangiti ako habang naglalakad pauwi. Sobrang saya ko lang ngayon araw.

"Zein.." napatigil naman ako sa paglalakad ng marinig ko pangalan ko.

At  mas lalo naman akong napangiti ng makita kung sino yung tumawag sakin.

"Uuwi kana?!." Tanong nya sakin ng makalapit na sya sakin.

"Ahmm.. oo" sabi ko habang pinipigilang wag kiligin.

"Ahh.. ganon ba?!. Ah.. hatid nakita.."
Pag aya nya.

"Huh?!. Eh.."

"Tara na.."sabi nya sabay hawak dun sa kamay ko.

Bat ba kasi ganyan ka Nikko?!. Kinikilig ako.=_= hehe..

At ayun na nga, andito na kami sa kotse ni Nikko. Napatingin naman ako sa kamay namin na kanina pa mag ka hawak. Kahit nag drive sya, hawak nya parin kamay ko.

Napangiti naman ako dun. Grabe, sobra akong kinikilig sa mga oras nato.

Natauhan naman ako ng bigla syang tumingin sakin.

"Andito na tayo sa inyo.." sabi nya, kaya napatingin naman ako sa labas.

Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa bahay. Basta talaga kasama ko si Nikko, parang tumitigil nalang yung oras ko.

"Ah... Salamat sa paghatid.." sabi ko ng nakangiti.

Pagkababa ko ng kotse nya, napatingin naman ako kay Kuya na nakatingin sakin.

Bigla naman akong kinabahan nung lumapit sya sa kotse ni Nikko.

"Zein, pumasok ka na.. usap muna kami ni Nikko.." seryosong sabi ni Kuya.

Tumingin naman ako kay Nikko na tumango lang habang naka ngiti.

At ayun. Pumasok nako sa loob. Ano naman kaya pag uusapan nila?!.

Pagkapasok ko bigla ko namang nakita si mama na nakupo sa sofa.

"Andito nako.." sabi ko kay mama sabay mano.

"Usap tayo Zein.."

"Hmm.. ano yun Ma.." nakaka kaba naman si mama.

"Tungkol sa inyo ni Nikko" natigilan ako sa sinabi nya. Alam nya na kaya?!.

"Ahmm.. sorry ma.. di ko naikwento sa inyo.."

"Sorry Zein..

Ako dapat mag sorry sayo, sa mga nasabi ng kuya mo. Nag usap na kami at hindi nya sinasadya yun."

"Ok lang yun Ma.. tsaka.. nag usap narin kami ni kuya.."

"Zein.. alam kung nasa tamang edad ka na, at.. normal lang na mag ka roon ka ng iba pang inspirasyon, tulad ni Nikko." Sabi ni mama..

"Tatlong linggo matapos syang mag paalam sakin... Nag paalam sya na manligaw sa'yo.  At pinayagan ko sya.. hindi dahil sa may pagtingin sya sa'yo.. dahil din sa gusto ko merong taong poprotektahan ka.. at yun si Nikko." Bigla namang tumibok ng napakabilis ang dib dib ko.

Pero pano??.. di ko maintindihan..

Mag sasalita pa sana ko ng bigla namang pumasok si kuya at Nikko. At mas lalong tumibok ng napakabilis ang dib dib ko..

Napatingin naman ako kay mama na nakangiti lang.

"Pre,.." napatingin naman ako kay kuya na nakatingin kay Nikko..

Ako yung mas kinakabahan eh.

"Ingatan mo kapatid ko.." sabay tingin sa akin ni kuya ng nakangiti.

Teka ano daw??!. Tumibok namn ulit ng napakabilis yung dib dib ko. As in 10382917394918 times.

Hanudaw??

At naramdaman ko nalang yung sarili ko na nakangiti.

Di ko alam kung ano sasabihin ko, ang alam ko lang masaya ako ngayon..

.

Pag katapos nung eksenang yun.. hinatid ko ngayon si Nikko sa labas ng bahay namin.

"So..  pano bayan.. approve nako kay Tita.. pati kay Chris..." Sabi ni Nikko ng nakangiti.

Ngumiti lang din ako sakanya. Kinikilig lang ako ngayong mga oras nato.

"So... ano... Pwede naba... akong manligaw??.." Napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi... 

Hindi muna kaylangan manligaw..." Sabi ko ng nakangiti.

"Huh??!."

Lumapit ako sakanya at hinawakan kamay nya. Bago ako mag salita, tiningnan ko sya sa mata.

"Kasi sinasagot na kita.." sabi ko kay Nikko habang ang laki ng ngiti sa labi ko.

At mukang nabigla sya sa sinabi ko.
"S..s.. si. sinas..sagot muna k.. k.ko??." Tanong nya na parang nakakita ng multo.

Hindi nako nag salita at niyakap ko nalang sya. Wala nakong masabi. Ang alam ko lang sa ngayon eh.. masaya ko..

"So.. tayo na?!." Utal na tanong nya sakin ng makakalas sa pag kakayakap.

"Oo... Tayo na.." nakangiti ko ulit na sabi.

Pero nabigla ako ng binuhat nya ko..

"Yeess!!.. tayo na!!. Girlfriend na kita!!."
Sigaw naman nya habang buhat buhat ako.

"Hoy Nikko.. ano ba ingay mo.."

"Wala akong pake masaya lang ako ngayon Zein.." sabi nya at nag sisigawan ulit.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.. parang nasa loob lang ako ng isang panaginip. Di ako makapaniwala na yung taong iniyakan ko dati... ngayon boyfriend ko na..

^_____________________^






Vote/Comment/Share

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon