Chapter 5

51.6K 851 15
                                    


AILWTBB 5:









Matapos ang ilang minutong byahe nakarating na rin kagad kami sa bahay ng di ko namalayan. Grabe! Isama ko kaya tong si Kurt sa car racing ng mapagkakitaan.



Ng makapasok na kami sa bahay, bigla akong natigil ng maabutan namin sina Kuya Chris na nasa sala habang nanunuod ng horror movie.


Psh! Seryoso? Horror movie talaga? I mean, sa itsura ng mga lalakeng to?— Iisipin mong more on action movies o kaya naman porn. Oopx!. Pero hindi. Tsk! Pakealam ko ba!



"Oh! Andyan na pala kayo." agad naman silang tumingin samin ni Kurt. "Sige na, ilagay mo na yang pinamili mo, tapos magluto ka na rin." biglang nanlaki ang mata ko sa narinig ko mula kay Kuya.




"Kuya naman! E ako na nga nag grocery ako parin magluluto?" Walang ganang tanong ko.




"Zeinrie, sige na!" Napabuntong hininga nalang ako bago nagsimulang humakbang papuntang kusina.



Kainis! Sana naman hindi nya nakakalimutang kapatid nya ko at hindi katulong. Kahit naman tumanggi ako wala akong magagawa pag dating kay Kuya. Aish! Baka pati mamaya, ako pa magsubo sa kanya sa pagkain nya.

Bwiset! Bat di kaya tong mga bibe na to ang pag lutuin nya tutal sila naman ang nagpunta dito sa bahay. Tsk!



Ayun, kahit na labag sa kalooban ko, nagsimula na nga akong naghanda para makapag luto na. Habang hinihintay kong maluto ang karne — biglang nabaling ang tingin ko sakanila ng marinig ko ang nakakabinging tilian. Pero bigla akong napangiti ng makita ang itsura nila ngayon.



Pwede ko ba sabihing, ang cute lang nila ngayon.



I mean, para pagmasdan ang mga badboy na tinitilian ng mga kababaihan, E makikita mong ganito ang mga itsura. Psh! Nakakatawa lang silang panuorin. Lalo na kapag nakakasindak yung mga parts, bigla silang mag titilian na para bang mga babaeng nakakita ng ipis.




Sayang nga lang at wala si Nikko dito, gusto ko rin makita ang mukha nya pag nagugulat. T-T





Bigla ko na naman tuloy naalala ang mga nakita ko kanina. Haysss..






Habang pinagmamasdan sila — bigla namang nabaling ang atensyon ko kay Kyle.





Pft! Hahahaha..



Bigla akong natawa sa utak ko matapos makita ang itsura nya ngayon. Grabe nakakatawa yung mukha nya. Ang panget tingnan pero cute na ang gwapo.




Wait,




What did I just say?




Hindi erase erase.. mukha syang takot na bibe.






Aish!









Pero honestly, Yung Kyle na pinagmamasdan ko ngayon ibang-iba sya sa Kyle na kilala ko. Kung makikita nyo lang talaga, matatawa kayo. E pano ba naman kasi yung itsura nya parang tanga, nakataas yung paa nya kay Kurt tapos nakahawak sya sa braso ni Jio, ang bakla lang tingnan.


Bigla namang may pumasok sa isip ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at kinunan sila ng picture. Ngayon may pang-asar na ko sayo Kyle Ethan Mendoza. Ano kayang sasabihin ng mga asong tagapag hanga nyo pag ipi-nost ko to?.




Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon