Chapter 44: Bakit si Lissa

36.1K 809 68
                                    



Pagkatapos nun.. Nag simula na yung party. Mukang inggrande nga talaga tong birthday ni Kyle. Eh pati yung mga family friends nila andito din.

Si Kyle, ayun.. nang i-entertain ng bisita.

"Hmm.. Zein oh!." Napatingin naman ako kay Nikko na may hawak na kutsara na nakatapat sa bibig ko.

"Ano yan??!." Taka kung tanong. Oo alam ko pagkain pero bakit nakatapat sa bibig ko?!.

"Susubuuan ka.." natigilan naman ako sa sinabi nya..

"Huh??.. eh kasi,.. "

"Please..." Tiningnan ko sya sa mata nya na parang nagmamakaawa na.

Nakakahiya man isipin pero.. boyfriend ko sya at girlfriend nya ko.. kaya natural lang to.. ahh!..

"Sige na nga.." pagkasabi ko nun bigla naman ngumiti mata nya.pft. hanudaw??

Habang papalapit yung kutsara sa bibig ko parang nanginginig na labi ko.. At mas nanginig yun ng mai-subo na yun sakin.. nagtitingin narin ibang tao samin.. nakakahiya.. Buti nalang wala dito yung apat.. kung hindi baka kanina pa kami pinag aasar nun..

Pag katapos naming makakain. Nag simula ng magsayaw yung iba.

"Zein.." napatingin naman ako kay Nikko, at sa kamay nyang nasa harap ko

"Hmm.. bkit?!."

"Sayaw tayo." Diretso nyang sabi na ikinabigla ko naman.

"Eh. di ako marunong sumayaw.." nahihiya kong sabi.. eh sa hindi naman kasi ako marunong mag sayaw. Pano kung maapakan ko sya.. eh mas nakakahiya.

"Ok lng yan... andito naman ako. Ako bahala sa'yo..." sabi nya sabay ngiti.

Wala nakong nagawa ng hawakan nya na kamay ko.

Medyo nanginginig paa ko habang nag lalakad. At mas lalong nanginig nung hinawakan ni Nikko yung kamay ko tas ipinatong sa balikat nya.. at mas lalo lalo lalo akong nanginig nung hinawakan nya ko sa bewang. Gosh!.

"First time mo?!." Naangat ko man ulo ko nung tinanong nya yun.

"Hmm.. oo" napangiwi naman sya bigla.

"Swerte ko pala.. ako first dance mo." Napangiti naman ako dun. Kung alam mo lang!. Ako ang maswerte.^_^

Habang nag sasayaw kami, hindi ko maiwasang mailang. Oo, boyfriend ko na sya.. pero hindi mawala sakin yung ilang, lalo na ngayong kaharap ko sya. Bakit ba kasi kanina pa ko naiilang??!.

Napatingin naman ako sa isang direksyon kung saan may nag kukumpulan na tao.

Pero teka?!. Sya bayon?!. Tanong ko sa sarili ko. Hmm.. di nasabi sakin na papunta din pala si Lissa dito.. Hmm!.

Pag katapos naming mag sayaw.. umupo narin kami ng makaramdam nakami ng pagod.. at pasalamat ako dahil hindi ko naapakan paa nya.

"Ahh.. Zein May titingnan lang ako saglit." Pag papa alam sakin ni Nikko. Tumango lang ako. At ayun, umalis na sya.

Napatingin naman ako sa mga tao sa paligid, ang dami at halos parang lahat mayayaman.

"Ahmm.. excuse me..." Napaangat  naman ulo ko ng biglang may nag salita.

"Hmm. Kyle?!."

"Ikaw lang mag isa??!. Asan sila.."

"Ahmm.. Si Nikko, ahmm.  May titingnan lang daw, Si kuya, di ko alam.. tas si Jio naman at Kurt, ayun.. nangagaga chicks daw." Sabi ko sabay tawa.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon