Bonus Chapter

48.1K 932 73
                                    

Abala ako sa pag ayos ng mga pagkaing ihahanda. December 24 na, at ilang oras nalang pasko na. Kanina ko pa nga sila inaantay eh sa dito kami mag ce-celebrate ng pasko, grabe, ang saya ko ngayon, sayang nga lang wala si mama at papa, Pero alam ko namang may next time pa, eh yung moment na makasama ko si Kyle, di ko alam kung hanggang kelan. Dahil baka isang araw, magising nalang ako wala na naman sya.

Pero alam nyo,ng daming nangyayari.. matapos nung araw nayun. Maraming nagbago. Si Kurt at Lissa, ayun masaya ulit na nagsasama, pero ngayun hindi na nila kaylangan itago kung ano meron sila, hindi na nila tintaho yung relasyon nila sa pamilya nila, at sobrang saya ko naman para sa kanila!. Si Jio naman nag hahanap pa daw ng ka forever, hahaha.. papagdasal ko nalang sya. Si kuya naman ayun, todo effort sa panliligaw kay ate Lia. Eh dalawang linggo ng break si ate Lia at nung ex nya. Na ikinasaya naman ni kuya..

Hayss.. buhay nga naman.

"Zein..." Napalingon ako sa kung san nang galing yung boses. At nakita ko si Kurt at Lissa na kakapasok lang ng pinto.

"Grabe ang traffic.." inis na sabi ni Kurt.

"Hindi ka na nasanay." Sagot naman ni Lissa.Ngumiti lang ako

"Good evening.." napalingon naman ulit kami sa pinto.

At kasama na ni kuya si ate Lia.

"Oh.. ano naayus mo na ba lahat nerdy??"

"Wow ah!. Kung tinulungan mo kaya ako dito!." inis kung sabi sabay ngiti.

"Sige na tulungan ka na namin.." pag aaya naman ni ate Lia.

"Teka!. Asan na nga pala si Ken?." Biglang tanong naman ni Kurt

"Ahm. Wala pa nga eh.. ahh.. tawagan ko lang.." pag papa alam ko

Kinuha ko yung cellphone ko at dinaial kagad yung number nya. Unang ring.. pangalawa ring.. pangtlo... walang sumasagot.

Dinaial ko ulit pero hindi parin sinasagot.. Hayysss.. baka nag aayos pa yun?!. Oo!. Tama!.

"Oh ano??"

"Eh di pa sinasagot.."

"Kahit kelan talaga batugan nun.." sabi naman ulit ni Kurt.

Napatingin ako sa labas ng may kumatok. Agad akong tumakbo papuntang gate at binuksan.

"Ky...."

"Hi nerdy.. merry Christmas.." masiglang bati sakin ni Jio

"Ahh.. merry Christmas din.. ahmm.. si Kyle??."

"Huh??.. bakit??. Wala pa ba sya?? Eh sabi nya kanina, paalis na daw ng bahay nila.." pag papaliwanag nya

"Ahh.. ganon ba??" Yun nalang yung nasabi ko.

Ilang minuto pa ang lumipas.. wala paring Kyle na dumarating.. sinusubukan ko ulit syang tawagan pero hindi sinasagot.

"Oh.. wala pa ba si Ken??. Isang oras nalang bago mag countdown.." sabi naman ni Kuya.

"Eh.. di nga sinasagot eh.. nag aalala na nga ako eh.. baka di yun pumunta."

"Ano ka ba naman nerdy.. baka na-traffic lang!. Subukan nyang wag pumunta!..." Napatingin naman kami kay Jio nung nagsalita sya.

Ilang minuto pa ang lumipas pero wala parin talagng Kyle na dumarating. Nag umpisa na nga silang magkasiyahanhan.. hindi man lang ba sila nag aalala??

"Zein.. tara kain na tayo.." pag aya ni kuya.

"Ahh.. sige.. hintayin ko nalang si Kyle.."

Ilang minuto pa.. napatingin ako sa orasan, at ilang minuto nalang bago sumapit ang pasko. Asan ka na ba Kyle??.

Medyo nanginginig na kamay ko habang nakatitig lang sa orasan.

"10,9,8,7,6,5,4,3,2,1.. Merry Christmas!!.." sabay sabay nilang sabi.. pero ako eto nakatayo lang sa harap ng pinto.. hinihintay ang pagdating nya..

Napatingin ako sakanila na ang saya saya.. bigla naman tuloy akong nalungkot. Lumabas ako ng bahay at umupo ako sa sahig sa harap ng bahay namin.

Asan ka na ba kasi Kyle??.. napapikit nalang ako. Pero nabigla ako ng pagmulat ng mata ko, may tumulong luha.

Unang beses na makakasama ko sya ngayong pasko pero hindi nya nagawang makarating. At dun na tuluyang tumulo luha ko.

Pero nabigla ako ng may nakita akong panyo. Pero teka!. Panyo ko to ah!!. Unti-unti kong inangat ulo ko at ngayon, nakita kong nakatayo sya sa harap ko. Pinagmasdan ko lang sya habang umupo sa tabi ko at inaabot parin ang panyong hawak nya.

Nakangiti lang sya habang nakatingin sakin. Pero imbis na ngitian sya pabalik. Biglang gumalaw ang kamay ko at binigyan sya ng napalakas na sampal. At halatang napalakas dahil sa namumula ang pisngi nya. Pero wala man lang pagbabago sa reaksyon nya. Pero nabigla ako ng pagitan nya lang ang pisngi kong may luha.

"Alam mo ba!. Na nag mumuka nakong tanga kakahintay sa'yo?!. Tapos bigla bigla kanalnag susulpot na parang nulto!!."

"Sorry natrfic ako.."

"Pasalamat ka.. mahal kita.."

Tumabi sya sa tabi ko kaya ngayon nasa sahig kami naka upo.

"Papayag nakong hindi ka makita ngayong gabing to?!. Antagal kong hinintay ang araw nato.. Yung makasama ka na parehas tayo ng nararamdaman...

Alam mo, wala sa isip ko na mag mamahal ako ng isang tulad mo.. yung simple, hindi uso ang salitang gimik. Yung puro libro lang ang hawak. At grades lang ang prinoproblema..

Aaminin ko, hindi tulad mo ang type ko pero nung nakilala na kita ng lubusan. Nag iba na. Dahil minahal na kita."

"Nag simula to, nung nakita kita sa hagdan. Muka ka pa nung ewan, pero kahit ganon. Ikaw ang rason kung bat napangiti ako nung mga oras na yun." Naalala ko yung kwinento ni Jio.

"Ang plano ko lang naman nun eh asarin ka, pero di ko alam na nahuhulog na pala ako sa'yo. Ang tutoo rin nyan.. eh yung nag ttext at tumatawag sayo, ako yun.. gusto kitang pagtripan nun.. pero naisip ko, hindi ko kayang pagtripan ka pag alam kung naiinis ka na.. Nung naging kayo ni Nikko. Nung gabing yun andun ako. Alam mo bang gustong gusto kong upakan si Nikko nun pero alam kong bawal.." Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi nya yun.

At di ko napigilan at bigla ko nalang syang niyakap. Mga ilang minuto din ata kaming mag kayakap ng kumalas na ako sa pag kakayakap. At ngayon nakatingin lang ako sa mata nya na nakatingin din sakin..

Pero nabigla ako ng tumayo sya. Linahad nya ang isang nyang kamay kaya agad ko namang hinawakan at dahilan para makatayo kami.

Pero tumibok ng napakabilis dibdib ko ng hawakan nya ko sa bewang.

"Zein.. I... I love.. I Love You..." Napaangat ulo ko nung sinabi nya yun.

"I love you too Kyle.."

Pagkatapos kung sabihin yung mga salitang yun. Unti-unti ko nalang nararamdaman ang sarili kong palapit sa knya.

At parang tumigil ng pag ikot ng mundo ko ngaramdaman ko nalang ang labi nya sa labi ko.

Nung mga oras na yun. Wala nakong ibang inisip. Kundi ang salitang mahal nya ko at mahal ko rin sya.




~Ang Simula~

At ngayon, binabasa nyo ang simula ng istorya ni Zein at Kyle. Oo,simula palang to. At marami pang mangyayari.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon