PANG-ANIMNAPUT-PITO

3.5K 124 12
                                    

Tatlong linggo matapos ang nangyari sa kanila ng Komandante, hindi na nasundan pa iyon. Matapos kasi ang tangkang pagbibigay sana ni Hansel sa kanyang sarili kay Erick, hindi na natuloy pa ito, dahil sa hiyang naramdaman ng binata ng marinig ng mga kapatid ng Komandante ang tungkol sa bagay na iyon.

Naging abala rin ang Komandante, sa kasalukuyang pati-train sa mga bagong sundalo, at pagdating nga ni Erick ay madalas na tulog na si Hansel.

Kaya naman ng sabihin ni Erick, na dalawang araw itong magpapahinga, kaagad na gumawa ng paraan si Hansel, para sa unang pagkakataon ay maibigay na sa wakas ng huli, ang sarili sa Komandante.

Aaminin ni Hansel na bagamat siguradong na siyang ibigay kay Erick ang lahat, kahit papaano'y kinakabahan parin ito. Hindi na rin siya muling nanood ng porn, sunod ito sa kagustuhan ng Komandante. Kaya naman habang abala si Hansel sa pag-aayos sa kanilang kama, na magiging saksi mamaya sa pag-iisa ng kanilang katawan ni Erick, abala rin ang binata sa pag-iisip sa kung papaano nito magagawang mapaligaya ang Komandante.

...

Magtatanghali na ng papauwi si Erick sa bahay nila ni Hansel, galing ito sa kampo at ang balak nitong pag-uwi ng mas maaga kagabi ay hindi na nito nagawa, dala ng isang selebrasyon ang naganap sa kampo para sa mga bagong sundalong nakapasa. Kaya nga halos dalawang linggo niyang hindi nakasama ng maayos ang mahal, ganunman pinilit nito ang makauwi kahit isang beses lang sa isang linggo, nang sa ganun ay makapiling niya kahit papaano si Hansel.

Pagdating nga ng sasakyan ng Komandante sa kanyang bahay, mabilis itong pinagbuksan ng guwardyang si Arjay.

"Welcome back sir." bati ni Arjay sa amo.

"Salamat Jay, pakikuha sa backseat ang ibang dala ko." sagot ni Erick ng makababa, na abala ang dalawang kamay sa hawak na bouquet ng mga pulang rosas at isang malaking teddy bear na handog nito kay Hansel.

"Areglado sir, tiyak matutuwa niyan sir Hansel." maagap na sagot ni Arjay at komento pa nito.

"Sana nga Jay." ngiting sagot ng Komandante.

...

Abala si Hansel sa pagluluto ng tanghalian nila ng mga kasama sa bahay, nang marinig nito ang pagbukas ng pinto, at bumungad nga sa kanya si Erick na may dalang mga bulaklak at malaking teddy bear.

"Sir buti at nandito ka na? Akala ko mamayang gabi pa ang uwi mo?" mga tanong na bungad ni Hansel sa namiss niyang sundalo.

"Syempre namiss ko na ang baby ko, kaya nga napaaga ang uwi ko, at bilang bawi ko sa nakalipas na araw na hindi kita nakasama, heto." sagot ni Erick at abot nito sa bulaklak kay Hansel, at dahil sa malaki ang teddy bear ay minabuti ng Komandante na ilagay na lang iyon sa isang upuan.

"Sa-salamat sir, hindi ka na sana nag-abala pa, okay na sa akin na nakauwi ka na." hiyang saad ni Hansel at abot nito sa ibinigay ni Erick, at matapos amuyin ang mga bulaklak ay inilagay nito ang mga iyon sa tabi ng teddy bear.

"Alam ko naman 'yon, pero pagbigyan mo na si daddy na i-spoil ka paminsan-minsan." sagot ng Komandante at niyakap nito ng mahigpit ang sobrang namiss niyang si Hansel.

Kaagad namang sinuklian ni Hansel ang mahigpit na yakap na iyon ni Erick, at ng maamoy nito ang mabangong amoy ng sundalo, kaagad na nakaramdam ng hiya si Hansel, dahil siguradong amoy ulam na siya sa kasalukuyang ginagawang pagluluto, kaya naman mabilis rin itong humiwalay sa yakapan nila ng Komandante.

"Oh anong problema?" takang tanong ni Erick kay Hansel.

"Eh nakakahiya sir, amoy ulam ako." aming sagot ni Hansel.

"Ayaw mo nun, para ng sa ganun ay kainin na kita dito mismo." ngising saad ni Erick.

"Si-sir!" namumulang sagot ni Hansel.

Pag-ibig ng Sundalo Book IDove le storie prendono vita. Scoprilo ora