PANG-ANIM

4.3K 134 25
                                    

"Ilabas mo ang junior ko sa suot ko." Sa narinig na sinabi ng Komandante ay parang nabingi si Richard. Hindi ito makapaniwala sa gustong ipagawa ni Sebastian sa kanya.

"Manalo, narinig mo ba ang sinabi ko." ulit ni Sebastian sa kasama na hindi parin makatingin sa kanya.

"Pe-pero sir." utal na sabi ni Richard

"Manalo, kapag hindi mo pa sinunod ang ipinagagawa ko, ikaw rin ang kawawa. Ayaw mo naman siguro na habang kasama mo ako'y amoy ihi ako." pagrarason ni Sebastian para makumbinsi si Richard sa nais nito.

Sa narinig na sunod na sinabi ni Sebastian sa kanya ay wala ng nagawa pa si Richard. Tama naman ang Komandante sa sinabi dahil responsibilidad na niya ito ngayon. Isa pa, ano ba naman ang simpleng pagtulong kay Sebastian sa pag-ihi, kapalit sa ginawa nitong pagligtas sa kanya sa bomba. Kaya naman kahit nahihiya sa nais ipagawa sa kanya ay sumunod na rin si Richard.

"Si-sige sir." Matapos nga nun, gamit ang isang kamay ni Richard ay itinaas nito ang suot na hospital gown ni Sebastian. Bumungad tuloy kay Richard ang nakabukol na junior ni Sebastian sa suot na brief. Si Sebastian naman ay seryoso lang na nakatingin sa ginagawa ni Richard at pansin ang pamumula ng mukha ng huli.

'Marahil nahihiya ito sa gagawin.' bulong sa sarili ni Sebastian.

'Richard kaya mo 'to, parehas naman kayong lalaki.' kumbinsi naman ni Richard sa sarili. Sunud ay ibinaba nito ang brief na suot ni Sebastian at tuluyan ng tumambad sa kanya ang pagkalalaki ng kanyang Komandante. Ramdam ni Sebastian ang malamig na hangin sa kanyang pagkalalaki ng maibaba ni Richard ang suot na brief at pansin pa na lalong namula ang mukha ng kasama.

"Manalo para matapos na, hawakan mo ang junior ko at itutok mo sa inidoro." pahintulot ni Sebastian kay Richard na batid ang hiya ng kasama kung anu pa ang susunod nitong gagawin.

"Y-yes sir." sunud naman ni Richard at naiilang man ay hinawakan ang junior ng Komandante. Dala nga ng napunong pantog ay ilang minuto rin na hawak ni Richard ang junior ni Sebastian habang patuloy ang pag-ihi nito. Nang matapos umihi si Sebastian ay kaagad ng itinaas ni Richard ang suot na brief ng kanyang Komandante.

"Salamat Manalo at pasensya na rin sa nangyari." pasalamat ni Sebastian at hingi nito ng paumanhin sa kasama.

"A-ayos lang sir."

"Oo nga pala, maghugas ka muna ng kamay mo." saad pa ni Sebastian.

"Okay sir." Naghugas nga ng kamay si Richard at habang ginagawa niya ito'y naka-akbay parin sa kanya ang Komandante. Si Sebastian naman ay napatingin sa nasa harapan nilang salamin at pansin ang repleksyon ng maamong mukha ng kasama. 'Di gaya ng mga kaibigan ay maputi ang kutis ni Richard at kung naging babae lamang sana ito'y siguradong isa siya sa magkakagusto sa kasama. Sumagi rin sa isip niya ang pamumula ng mukha ng kasama kanina at napangiti ito dahil para itong inosente sa paningin niya na hindi alam ang gagawin. Matapos maghugas ni Richard ng kamay ay napatingin ito sa salamin at napansin ang pagngiti ng kasama. Sa nakita'y naalala ni Richard ang nangyari kanina at naisip na pinagtatawanan siya ng kasama. Napansin rin ni Sebastian na naging seryoso ang mukha ni Richard.

"Tapos na ako sir, maari ko na ba kayong ihatid pabalik sa kama?" seryosong saad ni Richard dahil ang hiyang naramdaman sa kasama kanina ay napalitan na ng inis.

"Oo Manalo ihatid mo na ako." sang-ayon ni Sebastian na walang kaalam-alam sa inis na nararamdaman ng kasama.

Nang makabalik ang dalawa sa kwarto at makahiga ulit si Sebastian.

"Sir, 'yung mga gamot niyo pala ay binili ko na." saad ni Richard na hindi man lang makatingin sa mukha ng kasama.

"Salamat Manalo."

"May kailangan ka pa ba sir?" tanong na may himig na inis ni Richard na hindi na napigilan ang sarili.

"Wala na Manalo, sandali may problema ba?" saad naman ni Sebastian at tanong na rin kay Richard, na 'di nakaligtas ang paraan sa pagtatanong kanina sa kanya ng huli.

"Wala naman sir, may dapat ba akong problemahin?" balik na tanong ni Richard.

"Okay, okay. Kung ang pagtulong mo kanina sa akin ang dahilan kung bakit ka galit sa akin, humihingi ako ng paumanhin. Pasensya na rin dahil alam ko, na malaki akong abala sa'yo. Hayaan mo, hindi mo na kailangan na samahan pa ako at ako nalang ang bahala na magpaliwanag sa mga kuya mo." mahabang saad ni Sebastian.

Sa narinig ay biglang nahiya si Richard sa naging akto nito.

"Sir hindi naman sa ganun." depensa ni Richard sa sarili.

"Ibig sabihin galit o may inis ka nga sa akin?" kumpirma ni Sebastian kay Richard. Isang tango lang ang naging sagot ni Richard.

"Kung ganun, sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit." saad ni Sebastian habang natingin ng diretso kay Richard.

"Kalimutan mo na lang sir ang naging sagot ko." tanggi ni Richard na sabihin ang dahilan kung bakit ito nainis sa Komandante.

"Hindi, sasabihin mo ang dahilan kung bakit ka galit sa akin o tatanggapin mo ang sinabi kong hindi mo na kailangan pang samahan ako." seryosong saad ni Sebastian.

Saglit na napaisip si Richard matapos marinig ang kundisyon ni Sebastian. Kung tutuusin mas madaling gawin ang ikalawa, pero alam niyang hindi kaya ng konsensya niya na iwan ang kapwa sundalong tumulong sa kanya. Isa pa kung kaibigan si Sebastian ng kanyang mga kuya ay alam niyang parang kapatid na ang turing ng dalawa kay Sebastian at kung tatangapin niya na iwan si Sebastian ay parang pinabayaan na rin niya ang sariling kapatid.

"Suko na ako sir, sige sasabihin ko na ang dahilan kung bakit ako nainis sa iyo." sukong saad ni Richard at ikinuwento nga sa Komandante ang dahilan kung bakit nainis ito. Samantalang tahimik naman na nakinig si Sebastian kay Richard.

"Okay, naiintindihan ko na kung bakit ka nagalit sa akin, pero hindi para pagtawanan kita kaya ako napangiti kanina." umpisang magpaliwanag ni Sebastian at mataman naman na nakikinig sa kanya si Richard.
"Kaya ako napangiti ay dahil sa nakita ko ang mukha mo kanina sa salamin, mukhang sa babae kasi ang mukhang meron ka at naisip ko na kung babae ka lang sana, siguradong isa ako sa magiging manliligaw mo." tapos na paliwanag ni Sebastian.

"Ah, hindi na bago sir sa akin ang napansin mo, marami na ang nagsabi sa akin n'yan. Sa katunayan napagkakamalan pa akong tibo ng ilan." kwento naman ni Richard na nagkakamot pa ng batok dahil sa hiya.

At ang ilang na nararamdaman ni Richard sa presensya ni Sebastian ay unti-unting nabawasan. Marami pang napagkwentuhan ang dalawa at ilan sa mga ito'y kung paano naging kaibigan ni Sebastian ang mga kuya ni Richard.

Lumipas ang ilan pang oras at matapos makainom ng gamot si Sebastian ay nagpaalam na itong magpahinga. Si Richard naman ay nanatiling nakaupo malapit sa kama ni Sebastian at nanood ng telebisyon. Ilang saglit pa ay nakatulog na rin ito.

Nagising si Sebastian kinaumagahan at kaagad nitong napansin ang kasamang sundalo na nakatulog habang nakayuko sa kama nito. Napangiti si Sebastian at hindi nito namalayan, na hihaplos ang kamay na malapit sa mukha ng natutulog na si Richard.

Pag-ibig ng Sundalo Book IWhere stories live. Discover now