PANG-APATNAPUT-TATLO

2.2K 105 32
                                    

"Bunso, ngayon na ang ang huling gabi ng burol ni Baste, hindi ka ba magpapaalam sa kanya bago ang libing niya bukas." saad na paalala ni Erick kay Richard na magmula ng magising matapos ang pagkahimatay nito ng malaman na patay na si Sebastian ay nanatili lang at nagkulong sa kwartong tinuluyan ng Komandante noon.

"Ayoko kuya." sagot ni Richard na kahit pa alam sa isipan, na wala na si Sebastian ay nanatiling naniniwala ang kanyang puso, na buhay pa ang mahal nitong sundalo.

"Alam kong mahirap bunso, pero maging kami ay ayaw parin maniwala na wala na si Baste, pero kailangan mo rin tanggapin ang katotohanan na iniwan na niya talaga tayo." saad ni Erick.

"Hindi ko kaya kuya, ayokong makita kahit pa ang kabaong lang niya." sagot ni Richard na wala talagang balak na pumunta sa lamay ni Sebastian.

Napabuntong hininga na lamang si Erick at muli'y wala na naman itong nagawa, kungdi ang iwanan sa kwarto ang nagdadalamhating bunsong kapatid.

...

"Anong sabi ni Chard, kuya?" bungad ni Vince sa kuya.

"Ayaw niya talagang pumunta, Vince." sagot ni Erick.

"Ano! Anong gagawin niya? Manatili na lang na magkulong sa kanyang kwarto?! Alam kong nasasaktan siya kuya, pero hindi naman tama na hindi man lang niya madalaw si Baste bago ang libing niya!" saad ni Vince na kahit pa naiintindihan ang kapatid ay naiinis rin ito.

"Vince, hindi mo naman siya masisisi, kumpara sa ating dalawa, mas masakit para kay Richard ang mga nangyari." saad ni Erick.

"Nandun na tayo na mas masakit nga sa kanya ang pagkawala ni Baste, pero alam kong mas masakit kung hindi man lang siya magkakapagpaalam rito." saad ni Vince at ito naman ang pumasok sa kinaroroonan ni Richard.

"Vince!" pigil ni Erick sa ginawa ng kapatid, pero huli na dahil nakapasok na si Vince sa kwarto at nilock rin nito ang pinto.

...

"Bumangon ka d'yan Richard!" galit na saad ni Vince.

"Kung kakausapin mo lang ako tungkol sa pagpunta sa burol niya ay mabuti pang lumabas ka na kuya." saad ni Richard.

"At sinong nagsabing kakausapin kita tungkol dun, pwes nagkakamali ka, dahil kung kailangan kita kaladkarin para lang makapunta ka sa burol ni Baste ay gagawin ko." saad ni Vince at hinila ang kamay ni Richard.

"Kuya! Ano ba!" panlalaban ni Richard sa kapatid.

"Nakita mo na ba ang sarili mo! Sa tingin mo matutuwa si Baste kapag nakita niyang nagkakaganyan ka!" inis na saad ni Vince.

"Paano niya pa makikita ang kalagayan ko, eh iniwan na niya ako kuya!" sigaw ni Richard at muli sa hindi na niya mabilang pang pagkakataon ay kumawala na naman ang mga luha nito.

"Nandito pa kaming mga kuya mo, sila papa at mama, ang mga kaibigan mo. Kung hindi man para kay Baste, para sa amin, anong gusto mo? Sundin na sa kabilang buhay si Baste? Sa tingin mo magugustuhan ni Sebastian na makita ka roon, samantalang siya ginawa niya ang lahat para lang mahuli ang mga terorista ng sa ganun ay makauwi lang sayo, kahit pa alam niyang maaaring mangyari ang nangyari nga sa kanya ngayon!" saad ni Vince na walang tigil na rin sa paglandas ang mga luha nito, dahil maging ang Kapitan ay sobrang nasasaktan sa nangyari sa kanyang kaibigan pati na sa nangyayari ngayon sa bunsong kapatid.

Sa nakitang pag-iyak ng kanyang kuya Vince, parang ipinamukha kay Richard ang katotohanang hindi lang siya ang nasasaktan sa pagkawala ng Komandante, inaamin niya na ayaw niyang makita ni anino lang ng kabaong ni Sebastian, kapag kasi nangyari 'yon, parang tinanggap na niya sa kanyang sarili na wala na talaga ang lalaking mahal nito. Pero tama ang kanyang mga kapatid, sa ayaw man niya o gusto ay kailangan niyang harapin ang pinakamasakit na katotohanan.

Pag-ibig ng Sundalo Book IWhere stories live. Discover now