PANG-LIMAMPUT-ISA

2.2K 101 8
                                    

Parang nabingi si Hansel sa narinig sa among sundalo, kahit pa pabulong lamang ang sagot na iyon ng Komandante, kapalit nga ng hindi naman niya sinasadyang maistorbo ang masarap na pagtulog nito.

"Si-sir!" mahinang bulalas ni Hansel na 'di pa rin makapaniwala sa narinig nito.

"Bakit Hans? Hindi ba kaya nga nasa ganitong sitwasyon tayo ngayon ay dahil may gusto kang gawin sa katawan ko?" pilyong bulong ng Komandante sa tenga ng binata.

Hindi man niya nakikita ang mukha ng among sundalo, sigurado si Hansel na nakapaskil ang ngisi sa mukha ngayon ng Komandate.

"Pe-pero sir mali ang iniisip ninyo." simulang paliwanag ni Hansel na nanatili pa ring nakadagan sa among sundalo.

"Sige Hans, bibigyan kita ng pagkakataon, paanong nangyari na nakapatong ka ngayon sa akin?" mahinang saad ni Erick at nagsisimula ng tigasan ang malaking laman sa pagitan ng mga hita nito.

"A-ano po sir, nagtimpla lang po ako ng gatas at habang hinihintay na medyo lumamig ito, napatingin po ako sa inyo, tapos kukumutan ko po sana kayo, pero natisod po ako sa isang bagay at heto nga po dumagan ako sa inyo." mabilis na paliwanag ni Hansel at lalong hindi na mapakali dahil sa isang matigas na bagay na nararamdaman nitong pumipintig ngayon sa kanyang tiyan.

"Hmm nagtimpla ka ng gatas? At natisod ka lamang?" kumpirma ni Erick sa binata.

"O-opo sir, maari na ho bang tumayo na ako?" maagap na sagot ni Hansel at ilang beses pang tumango, sabay pakiusap nitong pakawalan na siya ng among sundalo.

"Kung gatas pala ang gusto mo, meron ako dito, sa katunayan nga hindi mo na kailangan pang palamigin at higit na mas masustansya pa." pilyong saad ni Erick at idiniin ang mga katawan nila ni Hansel sa isa't-isa.

Sa ginawang iyon ng among sundalo, doble na ang pagkabog ng dibdib ni Hansel, hindi na ito mapakali dahil ibang pagkatao na ang ipinapakita sa kanya ng kilala niyang seryoso at disenteng sundalo.

"Si-sir." nababahalang saad ni Hansel. Wala pa itong karanasan sa makamundong bagay, sa katunayan sa edad na disi-otso, ni manood lang na isang porn ay di nito kayang gawin at ang pagkakahuli nito sa ginagawang paglalaro sa sariling alaga ng among sundalo noon sa kanilang kwarto, ang kauna-unahang pagkakataon na makakita ito ng maselan na pag-aari ng iba. Kaya nga tampulan siya ng tukso ng mga kaklase niya at kaibigan na lalaki, babae, tomboy at mga kapwa niya binabae. Ang tawag pa nga sa kanya ng ilan ay manang Hans.

"Ano na Hans, 'wag ka ng mahiya, sigurado akong magugustuhan mo rin ito, isa pa, marami ang gustong mahawakan lang iyan, pero para sa'yo, maari mong gawin ang kahit na anong gusto mo." pagyayabang pa ni Erick at labis ng nanabik sa gagawin ni Hansel.

"Si-sir! Hi-hindi ko po kayang gawin ang ipinapagawa po ninyo." tanggi ni Hansel sa nais mangyari ng among sundalo. Totoong lihim niyang minamahal ang Komandante, pero kahit pa mahal nito si Erick, may respesto sa sarili si Hansel.

"Bakit Hans, dahil ba may iba kang gustong i-blowjob o baka naman ginawa mo na iyon sa iba?" nagpipigil ng inis na tanong ni Erick.

"Si-sir wa-wala po, hi-hindi ko lang po kayang gawin ang bagay na iyon." kabang sagot ni Hansel at pinipigilan ang maluha sa sitwasyon niya ngayon.

Sa narinig kay Hansel ay natauhan ang Komandante, maging siya'y hindi makapaniwala sa kanyang mga nagawa. Inaamin ni Erick na gustong-gusto na niyang maangkin si Hansel, kahit pa wala naman siyang karapatan sa binata, kaya ng tanggihan siya nito, ibayong selos at galit ang lumukob sa kanya, lalo na ang isipin na may ibang lalaking gusto si Hansel.

"Sige, hindi na kita pipilitin sa ayaw mo, pasensya na rin sa mga nasabi at nagawa ko." saad ng wala ng nagawa pang Komandante at tinanggal na ang brasong nakapalupot sa bewang ni Hansel.

Pag-ibig ng Sundalo Book IWhere stories live. Discover now