PANG-LABING-PITO

3.3K 114 9
                                    

Gaya ng paalam ni Sebastian sa mag-asawang Manalo. Limang araw pa itong nanatili sa pamamahay ng mga ito, matapos ang unang gabi na may mangyari sa kanila ni Richard. At ngayong araw na nga, ang takdang pagbalik nito sa tinutuluyang condominium sa Makati.

"Hindi ba pwedeng bukas ka na lang umalis?" pakiusap ni Richard sa kalukuyang nag-iimpake ng gamit na si Sebastian.

"Chard, hindi ba kaya nanatili pa ako ng ilang pang araw ay dahil sa pakiusap mo sa akin." naiiling at nangingiting saad ni Sebastian.

"Promise last na 'to." giit pa ni Richard.

Kung si Sebastian lang ang masusunod, ayaw rin nitong umalis at iwan si Richard, pero hindi naman maaari na dumito siya ng matagal pang panahon, sigurado kasing makakahalata na ang mag-asawang Manalo kapag nanatili pa ito. Napabuntong hininga na lang s'ya at matapos maisara ang zipper ng kanyang bag, hinarap nito ang nakikiusap na 'wag muna siyang umalis na si Richard.

"Ako man ayokong iwan ka, pero kapag hindi pa ako umalis ay baka makahalata na si Heneral." paliwanag ni Sebastian.

"Mamimiss kita." saad ni Richard na alam nitong hindi na mapipigilan pa ang pag-alis ni Baste.

Sa narinig, hinawakan ni Sebastian ang dalawang kamay ni Richard.

"At mamimiss rin kita, sobra." sinserong saad ni Sebastian. At bago tuluyang lumabas ng kwarto ang dalawa, nagtagpo ang kanilang mga labi at sa pamamagitan ng halik na 'yon, ipinapaalam kung gaano nila mamimiss ang isa't-isa.

...

"Maraming salamat po tito, tita." saad ni Sebastian.

"Walang anuman Baste at gaya ng lagi namin sinasabi, kahit ano pang oras ay bukas ang bahay namin para sa'yo." nangingiting saad ni Aurora.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi, Manlangit." saad ni Heneral Manalo.

"Sir, yes sir." magalang na saad ni Sebastian at sumaludo pa sa Heneral.

"Salamat rin sa'yo Richard sa lahat ng tulong mo." baling ni Sebastian na ikinagulat naman ni Richard.

"Wala 'yon sir, ingat sa pag-uwi." pilit na ngiting saad ni Richard at pininipigilan ang sarili na maiyak dahil kasama parin nila ang kanyang mga magulang.

"Chard, tita, tito, mauuna na po ako." paalam ni Sebastian sa pamilya Manalo at binuksan na ang kanyang sasakyan at pumasok na ito sa loob.

Sa pagpasok ni Sebastian sa kanyang sasakyan, pinagmamasdan ito ng mag-anak na Manalo at ilang sandali pa, narinig na nila ang pag-andar ng makina ng sasakyan.

Pagka-start ng kanyang sasakyan, ibinababa ni Sebastian ang bintana ng driver seat at nais nitong masilayan ang mukha ng lalaking 'di niya inakalang magpapatibok muli ng kanyang puso.

"Salamat po ulit." nakangiting sigaw ni Sebastian at bago ito tuluyang paandarin ang kanyang sasakyan, itinuon nito kay Richard ang kanyang paningin.

Kita ni Richard ang pagtitig na iyon ni Sebastian at tinugon nito ng isang ngiti ang huli.

Ang ngiting 'yon ni Richard ang baon ni Sebastian at tuluyan na nitong pinaandar ang sasakyan.

...

Sa pag-alis ni Sebastian nakaramdam ng lungkot si Richard. Gayunman, palagi naman silang magkausap sa cellphone at kung minsan ay nagvivideo call rin sila.

At lumipas pa ang dalawang linggo at ang araw-araw nilang pag-uusap sa cellphone ni Sebastian ay naging madalang na lang. Sa lumipas rin na dalawang linggo ay panay naman ang paglabas nila ni Renz.

...

Naging masaya ang mga lumipas na araw ni Lorenzo dahil palagi nitong nakakasama si Richard. At ngayong araw na ito, naisip ng sundalo na magtapat na ng tunay nitong nararamdaman.

Pag-ibig ng Sundalo Book IOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz