PANG-APATNAPUT-PITO

2.3K 96 21
                                    

Sakay ng sasakyan na minamaneho ni Mang Popoy at kasama ang isang bodyguard, pauwi na sila Hansel sa bahay ng among sundalo, na kagagaling lang sa pagdalaw sa wala paring malay na ate. Nang makatanggap ito ng mensahe sa among sundalo na ilang linggo rin niyang namiss, dulot ng sinamahan nito ang bunsong kapatid na nagtangkang magpakamatay. At sa natanggap ngang text na iyon ay pinakiusapan siya ng Komandante, na dagdagan ang kanyang ihahandang hapunan para sa kasamang bisita ng huli pagkauwi nito.

Hindi maalis sa isipan ni Hansel, kung sino kaya ang bisitang kasama ng amo pag-uwi nito. Ito kasi ang kauna-unahan na may bisita itong isasama sa bahay. Kaya naman hindi maiwasan ni Hansel ang mag-isip, na baka isang babae ang kasama ng Komandante at posibleng girlfriend rin ito ng amo. Sa isiping iyon ay 'di maiwasan ni Hansel na makaramdam ng kirot sa kanyang puso, kahit pa alam ng binata sa sarili na kailanman ay 'di matutumbasan ng among sundalo ang lihim nitong pagtingin. At kung maliit man ang tiyansa na magkagusto sa kanya ang Komandante, hindi rin naman ito matatanggap ni Hansel, sa dahilang may relasyon ang kapatid na si Roxanne at si Erick bago pa ang nangyaring aksidente sa kapatid. Alam man ni Hansel na niloko ng kanyang kapatid ang among sundalo, hindi gugustuhin ni Hansel na pumasok sa isang relasyon kasama ang among sundalo, gayung wala pang pormal na hiwalayan ang Komandante sa kanyang ate. At kahit pa sabihin na nagtaksil ang kapatid sa Komandante, alam sa sarili ni Hansel na may malaking dahilan sa nagawang iyon ng kanyang ate Roxanne.

Nang huminto na ang sasakyan at nakarating na sila sa bahay ng among sundalo, minabuti na lamang na iwaglit sa isipan ni Hansel ang mga naisip at sinimulan ng gawin ang paghahanda ng hapunan para sa among sundalo pati na sa magiging bisita nito.

...

Gaya nga ng inaasahan ni Lorenzo, kita ng pobreng sundalo ang pagsunod ng tingin ng mga kababaihan, pati ng mga kalalakihan na kapwa rin lalaki ang hanap, sa makisig at guwapong modelong sundalo na akbay-akbay siya ngayon. Ilang beses ngang pilit na inaalis ni Lorenzo ang braso ni Vince, pero paulit-ulit rin itong ibinabalik ng Kapitan at sa ginawang pagbulong nito sa kanyang tenga, na kapag muling daw niyang tinanggal sa kanyang balikat ang brasong nakaakbay sa kanya, ang labi ng Kapitan ang susunod nitong mararamdaman. Kaya naman minabuting hayaan na lamang ni Lorenzo ang brasong iyon ni Vince na nakaakbay sa kanya, dahil alam ng pobreng sundalo na tototohanin ng pilyong Kapitan ang bantang sinabi nito sa kanya.

At huminto ang dalawa sa isang bilihan ng mga damit.

"Sir baka naman puwede mo ng tanggalin ang braso mo ngayon." mahinang saad na pakiusap ni Lorenzo sa Kapitan, magmula pa kasi kanina hanggang sa ngayon ay maraming mga mata ang nakatutok sa kanila.

"Okay, pero may kapalit iyon at 'wag na' wag mo 'kong tatanggihan Enzo." saad ni Vince.

"Sandali lang sir, baka naman' yung ibinulong mo sa akin kanina ang kapalit." kabang saad ni Lorenzo, na may ideyang ang nasa isip nito ang hihinging kapalit ng tusong Kapitan.

"Sorry to disappoint you Enzo, pero iba ang hihingin ko." ngising saad ni Vince.

Sa paraan ng pagkakasabing iyon ng Kapitan ay namula ang mukha ni Lorenzo, para kasing siya pa ang nagsusuhestyon na 'yun nga ang hinging kapalit ng Kapitan.

Lihim na napangiti si Vince sa reaksyon ni Lorenzo, sa maikling panahon na nakasama at nakilala niya ang huli, maraming mga bagay at ugali ang nadidiskubre ang Kapitan sa pobreng sundalo. Gaya ng unang plano ni Vince, gusto lang nitong masagot ang kanyang kuryosidad sa kung posibleng maatract siya sa kapwa niya lalaki. Inaaamin ng Kapitan na nakyutan siya sa pobreng sundalo sa ikalawang pagkakataon na makita niya ito, na humantong nga sa pag-iisa ng kanilang katawan sa inuupahan pang apartment ni Lorenzo. At ang sumunod niyang hakbang ay ang kuhanin ang loob ng pobreng sundalo hanggang sa mahulog ito sa kanya at gaya ng mga babaeng pinaasa niya ay iiwanan niya rin ito pagkatapos, pero kabaligtaran ang nangyari. Ngayon gusto na ng Kapitan na mahulog ang loob ni Lorenzo sa kanya at iyon ang kanyang gagawin ngayon, dahil alam sa sarili ni Vince na may pagtingin na siya sa pobreng sundalo.

Pag-ibig ng Sundalo Book IWhere stories live. Discover now