PANG-ANIMNAPUT-DALAWA

2.5K 96 28
                                    

Hindi makapaniwa si Sebastian sa mga narinig nito sa Heneral, at hindi rin nito alam sa sandaling iyon ang mararamdaman sa mga nalaman.

"Hi-hindi ko po alam kung anong isasagot ko." amin ng Komandante sa Heneral.
"Bukod po sa atin, may iba po bang nakakaalam ng katotohanan?" tanong pa ng Komandante sa Heneral.

"Ang mga magulang niya at siya at tayong dalawa pa lang." sagot ng Heneral.

"Kung ako lang po, handa akong kalimutan ang mga nagawa ni Rachelle, pero paano po si Richard?" alalang tanong ni Sebastian.

"Kakausapin ko siya hijo, at gusto rin ni Rachelle na magkausap kayong tatlo." saad ng Heneral.

...

"Pero pa, ganun na lang iyon? Paano kung hindi nalaman ni pinsan ang tungkol kay Baste? Buong buhay akong mag-iisip na patay na ang mahal ko." 'di makapaniwalang saad ni Richard.

"Naiintindihan ko ang galit mo anak, kaya nga gusto ni Rachelle na magkausap kayong tatlo kasama si Baste, pero sige kung anuman ang maging desisyon mo pagkatapos, tatanggapin ko." saad ng Heneral.

...

"Ikaw sir, ano sa tingin mo ang dapat na gawin ko?" tanong ni Richard sa yakap nitong Komandante.

"Kung ano baby ang maging desisyon mo ay iyon ang gagawin natin." sagot ni Sebastian.

"Hindi pa rin ako makapaniwala, sa dami ng taong magiging kaibigan ni papa, mga magulang pa ni Rachelle." saad ni Richard.

"Ganyan talaga ang buhay baby, tignan mo, hindi ko akalain na ang anak ng taong bayaning nagligtas kay papa ay kasama ko ngayon at pinakamamahal ko." saad ni Sebastian.

"Naisingit mo pa talaga iyon ah sir." asar ni Richard sa Komandante.

"Syempre baby, kaya 'wag mong pigilan ang kilig mo sa mga sinabi ko." sagot ni Sebastian.

"Sinong nagsabing kinilig ako? Nokornihan puwede pa." saad ni Richard.

"Nakornihan pala ah, sige mamaya pagdating nung magandang nurse para icheck ako, papatunayan ko sa'yo na magaling akong magpakilig." saad ni Sebastian.

"Subukan mo lang sir at tutuhurin ko si junior." banta ni Richard.

"Huwag naman baby, alam mo naman ikaw lang ang gusto kong pakiligin." saad ni Sebastian at muli ay hinalikan ang mga labi ni Richard.

"Ang hahalay ninyong dalawa." saad ni Vince ng makita ang paghahalikan ng kapatid at ng kaibigan pagpasok nito sa kuwarto.

"Inggit ka lang tol." sagot naman ni Sebastian.

"Bakit naman ako maiingit eh meron din ako, at dahil alam kong maayos ka na tol dahil para kang sawa kung makalingkis kay bunso, magpapaalam na rin ako." saad ni Vince at asar nito sa dalawa.

"Kuya!" saway ni Richard.

"Hahaha, syempre tol, ang sabi pa naman ni Erick may umaaligid sa baby ko." saad ni Sebastian.

"O sige na mauna na ako at ituloy ninyo na ang ginagawa ninyong kahalayan." paalam ng Kapitan at nagawa pang asarin ang dalawa, bago ito tuluyang umalis.

"Sige ingat tol, ikamusta mo kami ni Chard kay Lorenzo." sigaw ni Sebastian sa paalis ng kaibigan.

"Ano baby ituloy na natin?" ngising tanong ni Sebastian kay Richard, pagkalabas ni Vince.

"Ang libog mo talaga sir, matulog na muna tayo, inaantok pa ako." sagot ni Richard.

"Sige baby tulog ka na." saad ni Sebastian at hinagod nito ang likod ni Richard para kaagad itong makatulog.

Pag-ibig ng Sundalo Book IDonde viven las historias. Descúbrelo ahora