"One bottle of whiskey and two cocktail drinks, please." the man in the middle said. I immediately write down their orders.

"Is that all, sir?" tanong ko bago umalis para makompirma ang lahat ng order nila. Kita ko sa gilid ng mga mata ang pagpasada ng tingin sa katawan ko ng dalawang lalaking katabi niya. Mahina akong tumikhim.

"Can you join us here after you serve our order?" muntik na akong mapamaang sa sinabi noong lalaki pero ngumiti lang ako ng marahan. Alam ko na agad na may balak siyang ganoon sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

"I'm working as a waitress here, not an entertainer, Sir." marahan kong sagot sa kanila at maliit na namilog ang labi noong nasa gitna at tumawa naman iyong dalawang lalaki. Napatingin na sa gawi namin iyong dalawang babae na kasama nila.

"Is that all your order, Sir?" pag-uulit ko, direkta ang tingin sa lalaki na nasa harap ko at umayos siya ng upo.

"Yeah." he said still looking straight at my eyes. Tumango ako.

"Kindly wait for a minute, Sir. I'll be back to serve your order." saad ko kahit hindi sigurado kung babalik pa ba ako roon o ipapasa kay Francine ang tray. Mabilis ko silang nilagpasan ng hindi pinapansin ang reaksiyon nila.

Agad ko nang inasikaso sa tray ang order at sa kasamaang palad wala roong waitress na puwede kong pasahan. Lahat kami ay abala. Kaya nang makabalik sa table na iyon ay tahimik kong nilapag ang order nang hindi tumitingin sa mga mata nila.

"Call us, if you still want something, Sir." magalang kong saad at aalis na sana roon ng tahimik nang tawagin muli ako noong lalaki.

"I'm sorry for what I said a while ago. Can I at least know your name?" napahinga ako ng malalim bago bumaling sa kanya.

"Yvon." instead of saying my first name on him, I tell him my second name. Sinabi ko na para hindi na humaba pa ang usapan at tumigil na siya. Marami pa akong trabahong gagawin. Ngumisi siya sa akin.

"Nice, Yvon." he relocated to his seat after saying it. Hindi makakatakas sa paningin ko kung paano siya sumulyap sa dibdib ko. Nagtaas ako ng kilay.

"Are you free tonight? I can pay how much you want." kung kanina ay napigilan ko ang sariling mapamaang ngayon ay hindi na. Kumislot ang labi ko.

"As I said, I'm a waitress and not an entertainer to fulfill your needs. Better find another girl to hook up Sir or donate your damn money to charity." tinaliman ko siya ng tingin bago tuluyang umalis roon. Hindi ko na napigilan pa ang iritasyon. Wala na akong pakialam kung mareport man ang behavior ko kay Ma'am Grace. Handa akong magpaliwanag sa kanya.

I'll resign this Monday anyway.

Nagpatuloy ako sa pagtratrabaho at kapag may pagkakataon ay simple akong nagpapahinga. Hindi na mabuti sa akin ang manatali sa mausok na lugar. I am serving an order when I suddenly heard a very familiar name.

"Finally, here's Karson!" halos matigil ang buo kong katawan sa narinig na sinigaw ng babae sa table na sineserve ko. Hindi ko mapigilan dahil sa pangalan na nabanggit niya. Nakatingin siya sa likod ko kaya hindi ko makita kung ang imahe ba na nasa isip ko at ang tinitignan niya ay iisa.

I took a very deep breath and calm my heart. Naalala ko iyong sinabi ng lalaki niyang kaibigan noong nagkita kami sa supermarket noong nakaraan.

They'll be here. Dahan dahan na yinakap ng lamig ang katawan ko. Lalo ng marinig na magsalita ang lalaki sa likod ko.

"Sorry we're late. Ang arte ni Karson, ayaw pa sumama. Mabuti at napilit ko." I blink my eyes as I heard a familiar voice of a man. Parang katunog ng boses noong nasa supermarket ako. Mabilis akong tumikhim para ipagpatuloy na ang trabaho pero para akong napako sa kinatatayuan ng marinig na nga ang tinig na kompirmasyon sa kinakakatakutan ko.

One Night Misery (Misery Series #3) Where stories live. Discover now