Chapter 34

10 1 0
                                    

Nang umagang iyon ay nagising siyang wala na si Echizen. Subalit sa totoo lang ay sinadya niya talagang tanghali nang bumangon dahil ayaw niya itong makita. She hated him. Gayunpaman ay kinain niya pa rin ang almusal na nasa mesa na alam niya namang ito ang naghanda.

Matapos kumain ay nilibang niya ang kanyang sarili sa panonood ng TV. Subalit ano mang pilit niya ay sadyang lumilipad ang isip niya at palaging nanggugulo si Echizen. She turned off the damned TV and decided to spend her day on her bed. Shit, she felt really sick.

Nang biglang may mag doorbell.

"Surprise!" Sina Jecelle, Briana at Portia ang napagbuksan niya.

Indeed, she was surprised. Madrama niyang niyakap ang mga ito at naisip niyang ang mga ito mismo ang kailangan niya ngayon. Agad niyang pinapasok ang mga ito at dahil hindi naman maaaring hindi niya ikwento sa mga ito ang lahat-lahat, ay sinabi niya sa mga ito pati ang pangyayari kagabi.

"You have got to be-"

"No, Briana, I'm not kidding. I'm in love with Echizen, we kissed last night and now, I really hate him."

Tiningnan lang siya ng kanyang mga kaibigan. Nasa mukha pa rin ng mga ito ang napakaraming katanungan subalit binigyang-daan muna ng mga ito ang kanyang pag sesenti.

"You see, what kind of a man who would kiss a woman then afterwards say 'dammit' and turn his back?" Sa tono niya ay para siyang nakakain ng ampalaya.

"Did you brush your teeth?" Seryosong tanong ni Jecelle.

"That's not the point, Jecella dear. Kahit pa hindi nag toothbrush si Zein, hindi pa rin dapat ganon ang ikinilos ni Echizen," sabi ni Portia.

"Right." Sagot naman ni Briana.

Bigla ay gusto niyang maiyak. Bakit naman ganoon? Talaga bang bad breath siya kagabi?

"I brush my teeth everyday, three times. I even gurgle mouthwash after every meal. I never had bad breath..." wala sa sariling sambit niya.

"No, no, no, don't" pigil ni Portia nang makita nitong tutulo na ang kanyang mga luha.

Subalit bigo siya na pigilan pa ang mga iyon. She felt helpless, ashamed and hurt all at the same time.

Naramdaman niya ang pag-agapay sa kanya ng kanyang mga kaibigan.

"He's a jerk," boses iyon ni Jecelle.

Her mind couldn't agree more. Pinahid niya ang kanyang mga luha at pilit na pinatahan ang kanyang sarili.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now