Chapter 33

10 1 0
                                    

Kinagabihan ay naisipan ni Zein na pasalamatan si Echizen sa pamamagitan ng paghahanda ng masarap na hapunan. But then, hindi siya marunong magluto. Sa kanilang dalawa ay ito ang may alam sa kusina kaya ito ang nagluluto para sa kanila.

But she knew how to fry eggs, hotdogs and bacons. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. It's the thought that counts anyway. Siguro naman ay maa-appreciate nito ang effort niya para pasalamatan ito sa ginawa nitong pagsasabi sa Daddy niya ng lahat.

Hindi niya inaasahan ang kakaibang sayang naramdaman niya habang ipinagluluto ito. She felt like a good wife.

Oh come on...

Inalis niya ang ideyang iyon sa kanyang isipan at ipinagpatuloy ang pagluluto. Nang maiprito na ang huling hotdog ay in-assemble niya na agad ang dining table.

"Wow!"

Nagulat siya nang mula sa kanyang likuran ay sumulpot si Echizen.

"Hi." Nginitian niya ito.

"Bakit ikaw ang nagluto?" Nagtatakang tanong nito.

"Well, this is my way of saying thanks for what you've done. Bati na kami ni Dad."

"That's good." Tiningnan nito ang mga nakahain sa mesa.

"A dinner for two, huh? Fried eggs, fried hotdogs and look, fried bacons!"

He was smiling from ear to ear, obviously mocking her.

Inirapan niya ito. "I'm not a chef."

Hinawakan nito ang kamay niya at saka siya hinila palapit dito. She went silently frantic.

"I appreciate it, okay? I just want to see you roll your eyes."

Hayun na naman ang titig nito. At hawak pa nito ang kamay niya. Gusto niya nang matunaw.

"And since I have rolled my eyes... let's eat?"

Thank goodness she didn't stammer. Saka lang nito binitawan ang kamay niya at naupo.

"Walang fried rice?" Nakangising tanong nito.

"Hindi ako marunong magsaing o gumawa ng fried rice so we'll settle for wheat bread." Inilapag niya sa mesa ang ilang loaf ng tinapay na nasa plato.

"Paano pa kiya n'yan papakasalan?"

Lumundag ang puso ni Zein sa tanong nito. It was as if the idea of marrying her really entered his mind. She just stared at him.

What are you doing, Echizen?

Sa halip ay tumawa siya nang malakas. "You're funny."

"But it's not a bad idea, is it?" Bulong nito.

"Ha?"

"Let's eat."

Naupo na siya at sinimulan na nila ang pagkain. Masaya siya dahil mukha ngang na-appreciate naman nito ang effort niya. Panay ang ngiti nito at pagsambit ng "hmmm" na para bang ipinagluto ito ng magaling na chef at ang nakahain dito ay pang fine dining talaga.

"I still can't believe na okay na kami ngayon ni Dad. I'm really grateful, Echizen."

"I just told him what he has to know. So don't mention it."

But she flashed him a big smile. Kumakain pa rin sila nang biglang mamatay ang ilaw.

"Oh gosh, brown out?"

"Let me check." Tumayo ito at umalis.

Nang magbalik ito ay may bitbit na itong dalawang flashlight. Iniabot nito sa kanya ang isa.

"Brown out nga, lahat ng units sa labas walang ilaw."

She's afraid of the dark but knowing that she's with him, she felt safe.

"Let's finish our food," sabi niya.

"Sandali." Nagtungo ito sa isang maliit na tokador sa kusina at mula doon ay inilabas nito ang dalawang mahabang kandila. Sinindihan nito ang mga iyon at saka nito pinatay ang kanilang mga flashlight. "Dinner by candlelight," sabi nito na nginitian siya.

Her heart just skipped a beat. God dammit, he was making her fall for him more. She never thought that romance could be her weakness.

Pinili niyang idaan sa tawa ang nararamdaman niyang kaba. "So we're on a date?" Biro niya.

"Yes. This is our first date," titig na titig ito sa kanya.

Please stop. I can't take it, not anymore.

"Candles over a dinner won't make this a date, Echizen."

"A kiss will do."

Sa gulat niya ay kinabig siya nito at mabilis nitong nailapat ang labi nito sa kanya. Gayunpaman, hindi sumagi sa isip niya ang pagprotesta. Tumigil ang oras.

There, they were kissing over the burning candle lights. The delightful taste of their joined mouth all but soaked her into magic, so she went breathless as he took full possession. He drove the both of them into madness as he darted his tongue to her parted lips. And no, she never wanted him to stop.

But he did.

"Dammit," bulong ni Echizen and turned his back to her.

Hindi niya malaman kung paano pipigilin ang biglang pagbuhos ng sakit sa iniakto nito. Bakit parang hindi nito ginusto ang nangyari?

Umalis itong bitbit ang isang flashlight at iniwan siyang tulala.

A moment earlier, he was initiating romance and now... what the hell is wrong with him?

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now