Chapter 19

8 1 0
                                    

"Perfect," sabi ni Zein matapos niyang timplahan ang tubig sa bathtub. After all, may maganda rin palang parte ang bahay na iyon: ang bathroom. May malaki iyong bathtub at shower. Maluwag sa loob niyon at napakalinis. Malamig din sa mata. Puting-puti ang tiles doon na may accent na baby blue. Higit sa lahat ay napakabango sa loob. Every single corner of that bathroom smelled of fresh lemon.

And now, she was about to enjoy her bubble bath. Hilig niya iyon. Lalong-lalo na kapag nakakaramdam siya ng stress. At kung stress lang din naman ang pag-uusapan ay mayroon siya niyon at napakalaki.

Tatanggalin niya na sana ang pagkakatali ng kanyang roba nang biglang may dalawang kamay na humawak sa mga balikat niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang malingunan niya si Echizen. Dire-diretso siyang inilabas nito sa bathroom.

"What are you doing?" Inis na tanong niya.

"The bathroom is mine."

"Ano?"

Nagkibit lang ito ng balikat. "Akin tong bathroom. Dun ka maligo sa kwarto mo."

Hindi niya ito mapaniwalaan. Paano siya maliligo sa kwarto? Oo nga't mayroong maliit na CR doon subalit sadyang ginawa lang iyon para sa midnight call of emergency. Toilet lang ang nandoon at gripo. Sa katunayan, napakasikip doon. Ni walang shower. Ni walang bathtub. And for her, a bathroom without bathtub is not a bathroom at all.

"Please, pag-usapan natin to." She felt helpless. Paano kasi hindi pa man ay minahal niya na ang bathroom na ngayon ay inaangkin nito.

"Do you have any idea kung gaano akong nahirapan na makatulog kagabi?"

Medyo nakonsyensya siya dahil kaninang umaga ay inabutan niya itong nakabaluktot sa couch. Mukha ngang nahirapan ito. Pero ano ang gagawin niya? Hindi niya ito kayang makasama sa iisang kwarto. Just the very thought of it made her want to die.

"Eh, hindi nga tayo pwedeng mag-share ng room, eh. But please, let me use the bathroom."

Sandali na tila nag-isip ito. "No way." Ginaya lang nito ang paraan ng pagsasabi niya ng mga salitang iyon kagabi.

Nag-unat ito. "Bubblebath is a perfect idea after all of today's office work."

Sinimulan nitong tanggalin ang pagkakabutones ng polo nito habang naglalakad patungo sa bathroom. Nang makapasok doon at maisara ang pinto ay wala siyang ibang nagawa kundi batuhin ng kanyang pambahay na step-in ang pinto ng bathroom, saka siya nagpapadyak.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now