Chapter 6

18 2 0
                                    

"An hour and a half."

Iyon ang sagot ni Portia nang tanungin niya ito kung ilang oras pa ang bubunuin niya para sa kanyang community service. Thank God, kaunti na lang at matatapos na siya.

Kasalukuyan sila ngayong nasa grotto ng kanilang school at winawalis niya ang mga dahol na naglalaglagan mula sa mga puno. Ilang araw nang ganoon ang gawain niya. Nagwawalis din siya sa corridor at hallway ng kanilang building. Ginagawa niya iyon tuwing breaktime at inaagahan niya rin ang kanyang pasok upang mabilis niyang mabuno ang kanyang twenty-four hours of community service.

Ngayon niya napagtanto na mahirap ang maging janitor, lalo na sa kanilang school dahil walang pakialam ang mga estudyante sa pagtatapon ng basura kahit pa nasa harap lang naman ang basurahan.

Mabuti na lang at supportive ang mga kaibigan niya. Tuwing oras ng community service niya ay sinasamahan siya ng mga ito. Higit sa lahat, wala sa mga ito ang nagsumbong sa parents niya patungkol sa pagkakapunta niya sa principal's office.

Patuloy siya sa pagwawalis nang matanaw niyang parating si Lauren. Kusang uminit ang kanyang ulo. Sa kilos nito, walang mag-iisip na masama ang ugali nito. Hindi bagay dito ang maamo nitong mukha. Mas bagay dito ang mukha ng kontrabida sa fantaserye na pinapanood ng mga maids nila.

"Ooops..." anito nang makalapit at sadyaing ihulog ang ilang piraso ng papel. "Sorry ha? Pakiwalis nalang." Umalis ito na abot tainga ang ngiti.

"Oh my gosh! How dare that shyster!" Bulalas ni Briana.

Tahimik niyang winalis ang mga nahulog na papel.

"Zein, what are you doing? Bakit mo hinayaan si Lauren na gawin yon?" Ani Portia na nakakunot ang noo, ganoon din si Jecelle.

She smiled wickedly. "Sino bang may sabi sa inyo na hahayaan ko lang siya? Messing up with me is a big mistake."

Nagtatanong ang mga matang tiningnan siya ng kanyang mga kaibigan. "Just wait and see girls," aniya.

"Okay, we'll wait and see. But look who's coming..."

Napatingin siya sa direksyon na itinuturo ni Portia. Echizen is coming. Mabilis niyang itinago sa kanyang likuran ang hawak niyang walis at inayos ang sarili. Hindi nito maaaring malaman ang pagkapunta niya sa principal's office at ang parusa niyang communtiny service, tiyak kasi na magsusumbong ito sa parents niya.

"Let's make it look like were just hanging out here together," aniya sa kanyang mga kaibigan.

Echizen came walking with that undefiable aura. He's got this power to make everyone turn his way. Perfect ang tingin dito ng lahat at pupusta si Zein, gustong gusto nito iyon.

"Hi, Echizen!" Kumaway dito si Jecelle nang naglalakad na ito sa harap nila.

Nginitian nito ang kanyang mga kaibigan subalit hindi ito bumaling sa kanya.

Duh? As if I care.

"Echizen is so handsome." Dreamy si Jecelle nang sabihin nito iyon.

Sinundan niya ng tingin ang malayo nang si Echizen. Yes, he's handsome. Pero masama pa rin ang ugali nito, sumbungero at pasikat.

And too stupid for admiring Lauren.

Nang tumunog na ang bell hudyan ng pagsisimula ng kanilang sunod na klase ay bumalik na sila sa kanilang classroom. Matapos ang kanilang klase para sa araw na iyon ay nakaramdam siya ng pagod. Sa totoo lang, magmula nang umpisahan niya ang pagko-community service ay palagi na siyang umuuwi nang pagod subalit hindi niya iyon maaaring ipakita dahil baka magtaka ang mga tao sa kanila.

Sisiguraduhin niyang pagsisisihan ni Lauren ang ginawa nito sa kanya.

"My princess." Sinalubong siya ng Mommy niya nang matanaw nito ang pagbaba niya sa sasakyan sumundo sakanya sa school.

Humalik siya sa pisngi nito.

Natuwa din siya nang matanaw mula sa likuran nito si Mommy Maica, siguradong may dala itong tart para sa kanya.

"Sige na, get your tart na sa kitchen," sabi nang Mommy niya.

Lumundag ang kanyang puso sa kumpirmasyong iyon.

"I love you, Mommy Maica," nakangiting sabi niya dito.

"I love you too, honey."

Masaya siyang nagtungo sa kanilang kitchen. Subalit napahinto siya nang makita niya si Echizen sa kanilang salas, sinisipa-sipa ang isang bola ng soccer.

"Why the hell are you here?" Nakataas ang kilay na tanong niya dito.

"Why the hell are you asking?"

"I just don't want to see your ugly face here."

"Then, don't look at me."

She rolled her eyes and made a face. Saka niya ito nilagpasan. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang muli niya itong lingunin dahil sa isang malakas na ingay. Hayun, basag ang flower vase na nakapatong sa center table at nagkalat ang mga bulaklak na laman niyon sa sahig. Nasa di-kalayuan ang bola ng soccer ni Echizen.

"Oh my gosh! You just broke Mom's favorite flower vase!"

Dinampot nito ang bola nito.

"Bakit ba kasi dito ka naglalaro nyan? Aren't you using your brain?"

Sasagot sana ito nang may marinig silang mga palapit na yabag. Mabilis nitong dinampot ang nananahimik nilang Persian cat na si Tobi sa sofa at iniligay iyon sa tabi ng basag na vase.

"Hoy!" Sigaw niya.

Subalit hinila siya nito at nagtago sila sa isang panig ng kanilang bahay.

"Isusumbong kita!" Binawi niya rito ang kanyang kamay subalit hindi nito iyon binibitawan.

"Ang ingay mo," sabi nito.

"Kailangan malaman ni Mommy na binasag mo yung paborito niyang vase!"

Inilapit nito ang mukha sa kanya. "Sige, isusumbong ko rin na napunta ka sa principal's office dahil sa sama ng ugali mo."

Nagkulay suka ang kanyang mukha. "H-how did you know taht?"

"Yun ang dahilan kung bakit ilang araw ka nang nagku-community service di ba?"

"It's Lauren's fault! She stole my-"

Tinakpan nito ang kanyang bibig at sa pagkakataong iyon, inilabas na siya nito sa garden.

Mabilis niyang tinanggal ang kamay nito sa kanyang bibig. "Yuck! You just put your dirty hands on my luscious lips!"

"Kung may dapat mang mandiri satin, ako yon." Inamoy nito ang kamay nitong kanina ay tumakip sa kanyang bibig. "Ang baho ng bibig mo."

"How dare you! That's not true!"

"Yes, it's true, Zein." Tatawa-tawa ito. "At wag ka nang mag-ingay. Here's the deal, hindi ko sasabihin kila Mommy Ella ang tungkol sa pagkakapunta mo sa principal's office as long as hindi mo sasabihin na ako ang nakabasag ng vase. Remember, si Tobi ang may gawa non."

The taste of his blackmail was choking up her throat. Gusto niya itong isumbong sa Mommy niya subalit ayaw niyang malaman ng kanyang parents na napunta siya sa principal's office.

She rolled her eyes. "Okay, fine."

"Good." Humalukipkip ito. "Kawawang Tobi."

Sunod ay tumawa ito nang tumawa na akala mo ay wala nang bukas.

"Psychotic," bulong niya.

Tumigil ito sa kakatawa."Kung may psychotic man sa atin, ikaw yon. Look at you and your stupid ribbons."

Nasaling ang kanyang damdamin. She can't live her life without her fancy big ribbons in her hair. "You! Don't call my ribbons stupid."

"But it's true, Zein, mukha kang naglalakad na regalo."

Sa inis niya ay tumawa na naman ito nang tumawa.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now