Chapter 27

8 2 0
                                    

Totoong masaya ang panonood ng basketball. Hindi rin naman pala ganoon ka-boring ang pagsubaybay sa mga balita. Higit sa lahat, hindi baduy ang panonood ng cartoons, particular na ang Johnny Bravo.

And Echizen, he is the master of wit and humor. Masaya itong kasama at kausap. Para kay Zein ay kay hirap paniwalaan ang realisasyong iyon dahil buong buhay niyang kinainisan ito. Now, it's all in past tense.

It's really great to have him as a friend. Hindi niya akalain na sa dinami-dami ng mga bagay na hindi nila napagkasunduan noon, ngayon ay magkaibigan na sila. Palagi na itong ngumingiti sa kanya.

"You're amazing," sabi niya rito habang nakapangalumbaba sa harap nito at pinapanood itong paghalu-haluin ang harina, asukal at baking soda sa isang mixing bowl.

Gagawa ito ng cookies na nakakamangha para sa kanya dahil hindi siya marunong mag-bake. Ang sabi nito ay palagi nitong pinapanood sa pagbe-bake si Mommy Maica kaya ito natuto.

Napakunot-noo siya nang mula sa mga pinaghalu-halo nitong dry ingredients ay gumawa ito ng isang hukay sa gitna at doon ay inihulog nito ang tatlong eggyolks at kaunting tubig.

"Para saan yung hukay?" Tanong niya.

Umiling ito. "In baking, the term used is 'deep well', hindi hukay. Para yon sa wet ingredients. Hindi pwedeng basta mo na lang paghaluin ang dry at wet ingredients, magbubuo-buo ang harina. And it's messy."

"Hmmm."

Sa totoo lang ay excited na siya para sa cookies na gagawin nito. Mahilig siya sa baked goodies mula pa noong bata siya. Pero ni minsan ay hindi siya nag-attempt na matutong mag-bake. Para kasing ang hirap nitong gawin at kay dami ng proseso.

Nang ihulog na nito ang chocolate chips ay namilog ang kanyang mga mata at muntik pa siyang mapatalon sa tuwa nang ubusin nito ang isang pack.

"Oh, my gosh!" Sabi niya na nasa magkabilang pisngi ang dalawang kamay at abot-tainga ang ngiti.

"You're so cute," narinig niyang sabi nito.

"Ha?" Yan na lang ang nasabi niya dahil nagulat siya sa sinabi ni Echizen.

But he just smiled at her.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now