Chapter 17

9 1 0
                                    

"Naka-freeze din ang accounts mo?" Tanong ni Zein kay Echizen matapos nitong sabihin sa kanya na pareho lang sila ng sitwasyon.

Nginuya muna nito ang burger sa bibig nito atsaka iyon nilunok. The way he did it was so manly and well, sexy.

Just sayin...

Sa fastfood na lang sila nagkita dahil ang sabi nito, five hundred lang ang natirang cash sa wallet nito. Mabuti pa nga ito, may five hundred. Siya maski bente pesos ay wala.

"Yes, naka-freeze din ang accounts ko. Kinausap ko si Daddy. Ang sabi niya, alam ko naman daw kung ano ang dapat kong gawin. At si Mommy." Napabuga ito ng hangin. "Hindi niya ako pinapansin."

Sa totoo lang, hindi na dapat siya magtaka sa mga nangyayari. Their parents were absolutely crazy.

"So they really want us to be romantically together to the point that they will close and freeze our accounts. This isn't right." She rolled her eyes. "I can't even stand being with you."

He snorted. "Guess what? Me too."

Inirapan niya ito. Sa halip ay pinagdiskitahan niya na lang ang French fries na nakahain sa harap niya.

Maya maya ay narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "But we need to solve this problem. Hindi ko matagalan na hindi ako pinapansin ni Mommy."

"And I can't live without my credit cards."

Sandali na tila nag-isip ito. Hanggang sa bigla itong napatingin sa kanya. "Let's have a deal, Zein."

"What deal?"

"Hindi na nila ipinipilit sa atin ang kasal. But they want us to at least further know each other, na tinanggihan nating gawin. That's the reason why our accounts were freeze-dry," sandali itong uminom ng softdrink. "Kaya ngayon ang kailangan lang nating gawin ay ipaalam sa kanila na willing na tayong gawin ang gusto nila."

"You mean, we will set their hopes too high?"

"Not that high. Just an idea na gagawin na natin ang gusto nila. That way, ibabalik na nila sa dati ang accounts natin."

Napatango-tango siya. He's right. Maaaring wala ring patutunguhan kung susubok lang sila na makiusap sa mga magulang nila. Nababaliw na nga kasi ang mga ito.

"You're idea is perf."

"Perf?"

"Perfect."

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now