Chapter 12

10 2 0
                                    

Namumugto na ang mga mata ni Zein subalit wala pa ring tigil ang kanyang pagluha. She is about to leave the Philippines.

Nakatakda niyang iwan ang buhay na kanyang kinasanayan. Ang Mommy niya lang ang kasama niya ngayon sa airport dahil hindi man tuwirang sinabi sa kanya ng Daddy niya ay alam niyang masama ang loob nito sa kanya.

Matapos ang isinagawang imbestigasyon ng kanilang paaralan ukol sa kumalat na sex video ni Lauren ay lumabas na siya ang may kasalanan ng lahat. Hindi niya napatunayang bigla na lang ang pagsulpot ng cellphone kung nasaan ang original copy ng video sa kanyang bag.

Isa pa, mahirap nang linisin ang kanyang pangalan dahil alam ng lahat ang malaking pagkadisgusto niya kay Lauren. Buo na sa isip ng mga tao sa paligid na sa kanya nga nanggaling ang sex video na iyon.

It was so unfair, bakit kailangan niyang pagbayaran ang kasalanan na hindi niya naman ginawa?

Nagdesisyon ang Daddy niya na sa ibang bansa na lang siya pag-aralin. It was his way of throwing her away. Sa paningin nito ay labis-labis nang kahihiyan at eskandalo ang dinala niya. Masakit na hindi siya magawang paniwalaan ng kanyang sariling ama.

Sinubukang tumutol ng Mommy niya subalit buo na ang desisyon ng Daddy niya. She would be leaving for Amerika.

Pagkahatid sa kanya doon ng Mommy niya ay babalik din ito agad sa Pilipinas. Gusto ng Daddy niya na mamuhay siya doon na walang ibang kasama kundi mga katulong.

Naglalakad na sila ng Mommy niya sa passenger's area ng airport na iyon nang marinig nilang may tumawag sa kanilang likuran. Si Mommy Maica iyon, at kasama nito si Echizen.

"Akala namin hindi na kami makakahabol," sabi nito nang makalapit. Bumaling ito sa kanya. "Hija, I'm gonna miss you."

Pinahid niya ang mumunting luha sa kanyang pisngi. "I'm gonna miss you too, Mommy Maica. You and your tart."

Mahigpit siya nitong niyakap. Pangalawang Mommy niya na ito at totoong mahal niya ang babae. Isa ito sa kakaunting naniniwala na wala siyang kasalanan. Nang tingnan niya si Echizen ay mataman lang itong nakatingin sa kanila.

"Come, hijo, say your goodbye to Zein."

Kung kailan inakala niyang hindi na ito magsasalita ay saka nito hinawakan ang kanyang kamay at bahagya silang lumayo sa kanilang mga ina.

"I hate you, Zein," mababa ngunit mariing saad nito.

Of course he would hate her. Nang dahil sa eskandalo ay tumigil sa pag-aaral si Lauren at ang balita nila, lumipad ito pa Canada kasama ang ina nito.

"Sinira mo ang buhay ni Lauren. Are you even aware of how much damage you've caused?"

Bakit, si Lauren lang ba ang nasira ang buhay? Higit sa lahat, wala naman siyang kasalanan. Subalit napapagod na siyang magpaliwanag. Sa huli ay alam niyang hindi siya nito paniniwalaan. She would always be that self-centered brat in his eyes. Wala itong ibang inisip kundi kung gaano siya kasama. He's always been so unfair when it comes to her. For that, she would always, always hate him.

"Don't you realize? May winter sa Canada. Lauren would experience snow so you should be happy for her." Pinilit niyang ngumiti. "And I'll be enjoying my life in Amerika."

Lalong nadagdagan ang rumehistrong galit sa mukha nito ukol sa ipinakita niyang pagsasawalang bahala sa lahat. At tiyak niya, marami pa itong gustong sabihin at isumbat. Subalit tinalikuran niya na ito.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now