Chapter 30

10 1 0
                                    

Matapos nilang personal na batiin ang kanyang Mommy at si Mommy Maica ay umuwi na rin sila agad. Of course, tuwang-tuwa ang mga magulang nila na makita silang magkasama. At siyempre, payag na payag din ang mga ito nang magpaalam sila na sasama siya kay Echizen sa Baguio para sa business summit na dadaluhan nito.

Nakahiga na siya noon sa kama niya subalit hindi siya makatulog. At ewan niya kung paanong biglang sumagi sa isip niya sina Romeo at Juliet. Marahil, kung ang mga ito lang ang nalagay sa katayuan nila ni Echizen ay magiging madali para sa mga ito ang lahat at hindi na sana kinakailangan pang mauwi sa trahedya ang love story ng mga ito. Walang tututol sa pagmamahalan ng mga ito sa halip ay ipagtutulakan pa silang dalawa sa isa't isa.

Marahil ay ganoon talaga, may mga bagay na kahit gaano mo man kagusto ay ipinagkakait sa iyo, samantalang kung ano pa ang ayaw mo ay siya namang ipinagpipilitan sa iyo.

But then, she liked Echizen now. Lalo pa't binigyan siya nito ng napakagandang bulaklak.

Her heart did a jitterbug.

Ikinagulat niya ang reaksyon niyang iyon kaya't napabangon siya. Ngayon niya lang napansin na sa tuwing sumasagi ito sa isip niya, na madalas mangyari ay bumibilis ang tibok ng puso niya at... nakakaramdam siya ng tuwa, kaba at kung ano-ano pa. Ano iyon?

Sinubukan niyang hawiin ang mga agiw sa kanyang utak upang makapag-isip siya nang maayos. Kailangan niyang malaman ang sagot. She did some thinking. And the answer was terrifying.

No, I can't fall for him.

Muli siyang nahiga at pilit na itinanggi sa kanyang sarili ang kanyang nararamdaman.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now