Chapter 26

9 1 0
                                    

"You really look good together," kinikilig na sabi ni Mommy Maica.

Kanina pa nito sinasabi ang bagay na iyon, magmula nang dumating ito kasama ang Mommy niya at ngayong pauwi na ang mga ito. Napangiti na lang silang dalawa ni Echizen.

"Mother knows best, so you better believe us," sabi nang Mommy niya.

"Sure. But we're still taking things slow, you know, precautions." Bumaling siya kay Echizen. "Right?"

"Right."

Sa ngayon ay napagkasunduan nilang sundin ang ano mang sabihin ng kanilang mga magulang. Tutal ay wala rin naman silang ibang magagawa. Ang importante ngayon ay magkaibigan na sila, magkatulong na nilang sosolusyonan ang kanilang problema at higit sa lahat, makakaligo na siya sa bathtub.

Ngumiti lang ang kanilang mga ina at saka lumabas na rin ng kanilang apartment. Nang makaalis na ang mga ito ay parang nag-usap na pareho silang dumiretso sa sala at pabagsak na naupo sa sofa.

"Nakakaubos sila ng energy," sabi ni Zein.

"Yeah."

Bumuntong-hininga siya. "Tayo lang ba ang may parents na gaya nila? They are all downright crazy."

Tumawa ito. "I know."

Umayos siya ng upo. "Gusto ko nang matapos to at pumunta sa Paris."

"So you really want to be a fashion designer, huh?"

"Yup. Dati pa. Siguro kung hindi nangyari yung mga nangyari noong high school, baka pinayagan ako ni Daddy na kunin ang course na gusto ko."

"Bakit hindi mo sasabihin sa Daddy mo ang totoo. Ikukwento mo yung pag-amin ni Lauren. I'll be your witness."

Tiningnan niya ito, mahirap pa rin talagang paniwalaan na maayos silang nag-uusap ngayon, at kinakampihan pa siya nito.

"Talaga?"

Tumango ito.

"Wag na. It would be a waste of time."

"He should hear the truth. Para na rin ma-realize niya na kailangan niyang bumawi sayo at payagan ka niyang kunin ang course na gusto mo."

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko naman kailangang magpaalam sa kanya eh. Kapag nakaisip na tayo ng paraan kung paano natin sila makukumbinsi na hindi talaga tayo puwedeng magkatuluyan, then that's the time that I'll fulfill my dream."

"And how do you intend to do that?"

Pinag-isipan niya ang tanong nito. Paano nga ba niya magagawa ang gusto niya kung hindi siya papayagan ng Daddy niya at kung wala siyang pera?

"Basta."

Malaki na siya at higit sa lahat, buhay niya iyon, kung hindi man pumayag ang Daddy niya ay wala iyong kaso. Obligasyon niyang tuparin ang kanyang pangarap. At wala nang maaaring pumigil sa kanya. Bumaling siya rito. "Eh ikaw? Talaga bang gusto mong maging businessman at sumunod sa yapak ni Daddy Richard?"

"Actually it's my dream."

"Good for you."

Hindi niya maiwasang mainggit dito. His life could've been perfect, if not for this mess at the moment. Tinapik siya nito sa balikat na ikinagulat niya.

"Don't worry. You'll reach your dream, I'll help you out."

"You'll help me?"

He smiled and touched her hand. "In the best way that I can."

Sinseridad. Iyon ang nakikita niya dito. Thinking about their childhood days, that very scene was next to impossible. Subalit ngayon ay heto sila. Totoo ngang hindi nila kilala ang isa't isa. Now, it would be nice to spend their coming days discovering each other.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now