Chapter 63: Helping hand

151 8 10
                                    

(Hannah's POV)

Nagpatuloy si Sage na bantayan ako buong gabi. Hindi niya na rin ako kinausap pagkatapos niya akong sabihan na pwede kong gawin ang lahat ng gusto ko basta dito lang ako sa table na to at hindi gagala sa Casseiopeia ng ganito ang ayos.

Naiinis man ako pero hinayaan ko na masunod si Sage. Kailangan ko din tapusin ang mga assignments ko kaya kinuha ko narin yun na pagkakataon na gawin ang mga yun habang si Sage naman ay nakatulog na sa tabi ko.

Sobrang pagod siya simula kaninang umaga. Dumeretso siya sa airport para makita ako. Nakakawa ba? Hindi. Mas lalo akong naiinis kasi nakabuntot na naman siya sa akin. Hindi ko alam paano siya nakakatulog dito eh sobrang ingay. Ganun ba siya kapagod?

Lumapit sa akin si Ange nung napansin niya kami ni Sage. "Anong nangyari diyan kay Pogi? Lasing ba?"

"Hindi, natutulog. Sasama sama pa kasi dito." inis kong sabi kay Ange.

"Ikaw Hannah. Ang sweet kaya. From Manila hanggang dito sa Bacolod, para lang makita ka? Ganda ka teh?" sabay tawa ni Ange. 

Tinaasan ko siya ng kilay "Hindi ko alam anong gusto niya palabasin. Kung sa tingin niya mapapatawad ko siya, nagkakamali siya."

Hinawakan ni Ange yung kamay ko "Hannah"

"Ange, hindi mo na mababago ang isip ko. Walang makakapagbago ng isip ko." isa isa kong niligpit na ang mga gamit ko. "Dadaan pa ako ng ospital para magbayad. Pwede na siguro ako umalis. Papaalam ako kay Mamu"

"Eh paano si Sage?" nguso niya kay Sage na nasa tabi ko ngayon.

"Bahala siya diyan. Basta ako uuwi na. Huwag mo na siyang gisingin" tumayo ako at hindi na tinignan pa si Sage. Hindi ko na kailangan bantayan si Sage. Makakauwi siya once magising siya. 

Pagkatapos ko magpaalam kay Mamu ay agad akong nagpalit ng damit para makahabol sa last trip ng jeep pauwi sa amin. Kailangan ko pa dumaan ng ospital para magbayad para makapagpachemo na si Mama. Nung nasa jeep na ako, biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Sage na kailangan ko siya. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko iparamdam lahat ng sakit na dinadala ko ngayon. Pero sa totoo niyan, wala akong plano. Hindi ko alam kung alam ba ni Clyde na nagkita na ulit kami ni Sage. Alam niya rin ba na nasa Bacolod ako?

Bigla akong hindi makahinga. Naninikip ang dibdib ko. Sa loob ng dalawang taon, ang gusto ko lang ay makaganti pero wala akong plano. Hindi ko din alam na darating si Sage. Pinapaliit niya ang mundo ko. 

Gusto ko siyang saktan pero hindi ko alam paano. Gusto kong makalapit kay Clyde pero paano ko gagamitin si Sage?

Tumunog yung cellphone ko. Nung una ay akala ko si Sage ang tumatawag pero unknown number pala.

"Hello?"

(Hello, Ms. Lim? Is this Ms. Hannah Lim?)

"Opo, sino po sila?"

"Ms. Lim. Ako po si Miriam from Metro Bacolod Hospital and Medical Center. Kayo po ang contact person ni Mam Lourdes Lim?"

Bigla akong nanigas. "Opo. Bakit po?"

(Sinugod po si Mrs. Lim dito. Nahimatay po siya sa labas ng bahay niyo dahil sa sobrang sakit ng katawan. Kung maari niyo po siyang puntahan?)

"Opo. Papunta na din po ako"

(Sige po mam. Naka-admit na po siya pero kailangan po niyong pirmahan ang mga papeles dito)

(Sige po. Dederetso na din po ako diyan. Salamat po)

Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko. Niloloko na naman ata ako ng tadhana. Hindi naman siguro ako papapiliin ngayon diba?

Kasi dati nangyari to, pinili ko si Clyde at nagkamali ako.

My MiracleUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum