Chapter 13: Be my date

2.9K 50 8
                                    

Hindi ko alam kung bakit yun ginawa ni Clyde. Kung ano ang gusto niyang iparating sa akin. Parang kakaiba siya nung gabi na yun. Ibang iba sa natural na Clyde na kilala ko.

After nung nangyari, dalawang sunod na araw kong hindi nakita si Clyde. Sabi ni Emily masyado na daw ata silang busy para sa acquiantance party na gaganapin bukas. Grabeng OA naman ata ng pagaabsent nila. Ano bang gagawin nila concert? Syempre hindi na lang ako nagsalita kasi madaming fans ang Jedi Conspiracy at tama na yung araw araw kong nakukuhang masasamang tingin mula sa fans nila.

Bukas pa naman yung program pero parang pati yung mga teachers namin busy na. Ano bang mangyayari? Parada? Acquiantance party lang naman yun at hindi siya compulsary pero mukhang lahat ata ng kaklase ko sasama lalo na si Emily. Nung isang araw niya pa kinukwento sa akin na may pinagawa siyang photo poster para kay Anton. Yun daw ang iwawagayway niya bukas habang nagsasayaw ang Jedi Conspiracy.

Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na ayokong pumunta. Wala rin naman kasi akong gagawin kaya mas magandang nasa bahay na lang ako para tulungan yung nanay ko na magayos pa ng mga kailangan namin sa bubuksan naming Milk Tea Shop business.

Kinakausap ako ngayon ni Emily tungkol sa isusuot niyang damit nung may lumapit sa akin.

"Hannah, pwede magtanong?"

Nakita ko na nasa gilid ko pala si Nathan. "Oo naman bakit?"

"Nakita ko kasi yung pinasa mo sa political poster mo sa English natin eh. Magaling ka palang magdrawing?"

"Hindi naman masyado. Marunong lang ako" nahihiya kong sagot kay Nathan.

"Magaling siya Nathan. Nakita ko yung notes niya sa Math. Ang ganda niya gumawa ng malaking circle. Ako pinoprotractor ko pa siya hindi. Free hand lang!"

Natawa kaming dalawa ni Nathan sa sinabi ni Emily. Talagang yun ang inexample niya kay Nathan. Nakakaloka!

"Mukhang iba nga yun sa nakita ko." nilapag ni Nathan ang dalawang illustration board sa harap ko "Pinapapili kasi nila ako kung anong mas magandang science poster na ilagay sa bulletin board baka pwede mo akong tulungan?"

"Ay tamang tama yan Nathan."siniko ng mahina ni Emily yung gilid ko "Pakitaan mo siya Hannah habang paplanuhin ko muna ang pagiging perfect night namin ni Anton bukas!"

Lumayo sa amin si Emily at umupo sa upuan niya, kumuha ng notebook at may kung anong pinaglilista. Mukhang tinamaan na ata siya ng malakas kay Anton.

"Ano sa tingin mo Hannah?"

Nakuha ni Nathan yung attensyon ko sa sinabi niya at agad akong napatingin sa mga nilapag niya sa table ko.

Yung isang drawing planetary system at yung isa naman isa naman ay human body. Tinuro ko agad yung planetary system "Ito"

"Talaga?"

Yung konsepto kasi nung drawing sa planetary system kakaiba. Hindi yung usual na nagoorbit sila sa sun kundi isang triangle na parang yung mga planeta ay mga billiard boal. Yung sa human body naman may pagka-3rd siya at yung dugo na dumadaloy sa veins bumubuo ng mga salita.

My MiracleWhere stories live. Discover now