Chapter 14: Set-up

2.8K 47 8
                                    

Hindi talaga ako mapakali ngayong araw. Mamayang 7:30 pm na ang acquaintance party at hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagdesisyon kung pupunta ba ako o hindi. 

Breaktime namin ngayon at kitang kita na lahat ay excited na sa party mamaya. Kung gagawa ako ng survey ng top 3 na pinakakaabangan mamayang gabi ay siguradong pasok ang sayaw na gagawin ng Jedi Conspiracy kasama kung ano ang isusuot ng kung sino at sino ang makikitang kasama nino. Nakakaloka ang eskwelahan na ito. Parang instant naging showbiz ang lahat. Ganito na ba sila dati pa lang?

Katulad nitong katabi ko ngayon na search ng search sa page ng school namin kung may magpopost ba ng kung anong isusuot ng Jedi Conspiracy sa number nila para maternuhan niya.

Maya maya ay ngingiti na lang bigla si Emily. Ibang klase ang tama niya sa dance group ng school na ito lalo na kay Anton.

"Emily" sinubukan kong kausapin siya para di na pumunta sa acquaintance party mamaya.

"Hmm?"

"Pupunta ka ba talaga sa party mamaya?" 

Tumigil saglit si Emily sa ginagawa niya at lumingon sa akin "Oo naman no! I will not miss this event! Lalo na ang makita si Anton!"

Dun pa lang sa sinabi ni Emily ay mukhang negative na ang gagawin kong pagkumbinsi sa kanya na wag pumunta.

"Bakit ba big deal sa lahat ng tao dito yung sayaw ng Jedi COnspiracy? Parang di na naman sila sasayaw ulit"

"Ano ka ba Hannah! Its our senior year at apat sa kanila seniors na. Paggrumaduate na sila wala ng Jedi Conspiracy kahit na sabihin nating maiiwan pa sa school si Brian at Dustin"

Wag ka na umapila Hannah. Hindi mo na mapipigilan si Emily na pumunta mamaya. That means kailangan mong pumunta din para hindi siya mapagtripan ni Sage. Mahirap ng sumagal na baka hindi naman seryosohin ni Sage yung sinabi niya sa akin na pagtritripan niya si Emily pag hindi ako pumunta. Yung nangyari palang sa pool nun alam ko na dapat na may kakayanan siyang pinakamasama mong pwedeng makalaban sa school na ito bukod kay Clyde.

"Emily, ano" napakagat ako ng labi dahil sa kaba.

"Ano?"

"Pupunta na din ako sa party mamaya" malumanay kong sabi sa kanya.

"Talaga?" kumislap yung mata ni Emily sa saya.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot at yinakap niya na ako agad.

"You just made an excellent decision. Tama yang ginawa mo! Im so happy! Im so happy!"

Ngumiti na lang ako kay Emily para mapagtakpan ang pagiging awkward na nararamdaman ko ngayon sa pagpunta sa party na hindi ko naman gusto puntahan.

Hindi ko alam kung tama ba talaga ang ginawa kong desisyon. Malalagot ako kay Clyde kung malaman niya na pupunta ako.

My MiracleNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ