Chapter 5: Mulan

2.9K 57 5
                                    

Pagkapasok ko sa classroom ay biglang tumahimik yung mga kaklase ko. Siguro alam na nila ang nangyari kahapon. Sa malaking palabas ba naman na ginawa ni Clyde. Dumeretso agad ako sa upuan ko.

"Hannah"

Napalingon ako kay Emily na bigla akong tinawag. Pero bago ko man siya nakausap ay dumating sa tapat ko si Carla at yung dalawa niyang kaibigan: sila Janet at Genesis.

"Hi Hannah!" ngumiti sa akin si Carla.

"Hi" maiksi kong bati sa kanya.

"Hindi ko akalain na ganun pala kayo kaclose ni Clyde. Hindi mo ba alam kung gaano kami katagal na nakalapit kay Clyde pero ikaw?!" Tumaas yung boses ni Carla nun.

Nagulat ako sa sinabi ni Carla kaya hindi ko agad siya nasagot. 

"May problema ba dito Carla?" napatingin ako sa nagsalita.

"Wala Nathan. Wala" sabay alis ni Carla at nung dalawa niyang kaibigan.

Ngumiti sa akin si Nathan "Kaklase pala kita. Ako si Nathaniel Ortaleza" nilahad niya sa akin yung kamay niya.

"Hannah Lim" inabot ko yung kamay niya para kamayan siya. 

"Sana maging magkakilala tayo ngayong school year? See you around, Hannah" 

Umalis na si Nathan nung tumingin ako kay Emily na ngayon ay nakangiti sa akin. Ngumiti din ako sa kanya.

"Emily kailangan natin magusap mamaya"

Nawala ang ngiti sa mukha ni Emily. Sa tingin ko alam na din niya ang nangyari kahapon. Medyo nalungkot ako. Kung totoo nga na kontrolado ni Clyde ang lahat ng ito baka mapahamak din si Emily kasi kaibigan ko siya. 

"Hi Migs! Hi Clyde!" narinig kong may sumigaw.

Napatingin ako sa pinto at saktong pasok naman ni Miguel at ni Clyde. Naka-uniform silang dalawa. Naunang naglakad si Miguel at napahinto siya sa may gilid ko nung nakita niya ako.

"Woah! Woah! Woah!" Tumalikod si Miguel para kausapin si Clyde "Kaya naman pala gusto mong pumasok ngayon. Kaklase pala natin si Ms. Pretty girl"

Hindi pinansin ni Clyde si Miguel at nanatili lang siya na nakatayo sa tabi nito

"Hannah ang pangalan mo diba?" tanong sa akin ni Miguel at nilahad niya sa akin ang kamay niya "Migs, at your service"

Tinignan ko yung kamay ni Miguel pero bago ko pa man hawakan yun ay tumabi sa akin si Clyde at hinawakan yung kamay ni Miguel.

"She dont need any of your service, Migs"

Natawa si Miguel sa sinabi ni Clyde. "Hindi mo kailangang magselos Clyde."

My MiracleNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ