Chapter TWENTY FIVE: Vacation Plan

Почніть із самого початку
                                    

Teka. Nasaan na ba si Zeze? Nagpasok na ba siya? Pero magaling na ba siya?

Nang mapatingin ako sa orasan na nakapatong sa table sa gilid ng kama niya, nakita kong 8:00 na pala. Halaaaa! Kailangan kong pumunta sa school ng 9:00!

At mala-the flash akong bumangon. Pero, nasa may pintuan na ako nang mapalingon ako sa kama ni Zeze. Halaaa. Ang gulo palaaa!

Kaya inayos ko muna iyon bago ako muling patakbong lumabas ng kwarto ni Zeze.

Dumiretso agad ako sa banyo ng kwarto ko at naligo.

Pagkabihis ko, bumaba agad ako at dali-daling tinungo ang kusina. Magbabaon na lang ako nang kung anong nasa ref kasi hindi na rin naman ako makakapagluto ng almusal. Hehehe. Bakit kasi napasarap ang tulog ko?

Pero, pagkarating ko sa kusina, nakita ko si Zeze na nakatalikod. Nasa may lababo siya.

"Z-Zeze? "

Lumingon siya sa akin.

"Hindi ka nagpasok? Ah. Teka. Magaling ka na ba?" kaagad akong lumapit sa kanya at hinipo ang noo niya. Hinawakan ko rin ang noo ko para mapagkumpara. "Hindi ka na nga mainit. Hehe."
Tinitigan niya ko. Ahehehe. Mukhang magaling na nga siya kasi ganuon na uli ang reaksyon ng mukha niya.

"A-Ano palang ginawa mo? Nagluto ka?" tanong ko sabay iwas ng tingin sa kanya at tinuro ko iyong kawali na nasa may likurang bahagi niya.

Nakita ko na may laman iyong sinangag na maraming lahok. Waaa! Mukhang masarap!

"Yeah. I cooked for you. I mean, for us. Para sabay tayong kumain. To repay you. For taking care of me last night." sagot ni Zeze. Tumalikod agad ito at naghain nuong niluto niya. Mayroon din palang egg omelette at bacon. Matapos maghain, naupo na ito.

Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti. "Ginawa ko naman yun Zeze kasi nag-aalala ako sayo."

Pakiramdam ko nga, nagampanan ko naman ang pagiging asawa, kahit papano, sa ginawa ko kagabi.

***flashback***

Nang matulungan kong makahiga si Zeze, tinanggal ko ang sapatos niya. Waaaa! Ang lambot at ang puti ng mga paa ni Zeze! Hehehe.

Pagkatapos, nagpunta ako sa banyo at kumuha ng maliit na palanggana tapos naghanap ako ng towel sa walk in closet ni Zeze. At sobra akong namangha sa ayos ng mga damit niya. Nakahanger ang mga long sleeves at mga coat na pang opisina. Magkakatabi ang mga magkakakulay. Tatlong kulay lang pati ang naroon. White, black and dark blue. Sa ibaba nuon, nakatiklop naman ang slacks ba tawag dun? Hehe, pati ilang pantalon. Sa katabing lagayan, naroon nakatiklop ang mga puting towel, iba't iba ng size.

Waaaaaa! Hindi ako makapaniwalang nandito ako ngayon sa kwarto niya. Ngayon ko lang ito napasok. Magto-tour ako dito mamaya, hehe.

Pagkakuha ko ng towel ay lumapit ako kay Zeze. Nakapikit na ito. Kagaya ng ginagawa sa akin ni mama kapag may lagnat ako, pinunasan ko ang kamay at braso ni Zeze gamit ang towel na binasa ko ng tubig. Kumuha pa ako ng mas maliit na towel, binasa ko at inilagay sa noo ni Zeze.

Naupo ako sa tabi ni Zeze at pinagmasdan siya.

Hindi ko talaga mapigilang hindi humanga sa mukha ni Zeze. Mula sa magandang kilay niya, matangos na ilong, medyo manipis na labi at makinis na mukha dagdag mo pa ang kapansin-pansing panga niya. Ang gwapo ni Zeze kaso... O, in short, "gwaso" (hehe, wag na yung gwago kasi baka magalit sa akin si Zeze). Gwaso na lang for...

Married to a Mafia BossWhere stories live. Discover now