Chapter FIFTEEN: Zeze

3K 66 4
                                    

Chapter FIFTEEN: Zeze

Aeris' POV

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Ilang saglit pa ay bumangon na ako at nagstretching.

Matapos yun, tumingin ako sa digital clock na nasa may lamesa katabi ng higaan ko. 6:10 am.

Hala! Ang agap pa pala.

10:00 pa ang klase ko. Wala rin naman akong assignment na dapat tapusin.

Hayy.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Ang ganda ng kwarto ko. Kulay puti na may kaunting gold sa ibaba ang dingding. Tapos, may malaking painting ng sunset. May sariling balkonahe. May sariling banyo.

Hindi ko inakalang bigla akong magkakakwarto ng ganito kalaki at karangya. At hanggang ngayon, parang hindi pa rin ako makapaniwala na may asawa na ako.

Bigla ko tuloy namiss sina Mama.

Kamusta na kaya sila?

Ni kambal?

Sigurado akong alam na niya. Baka magtampo siya sa akin.

Alam ko na! Itetext ko na lang sila.

Kaya tumayo ako, kinuha ang bag ko at hinalungkat ito.

Pero hindi ko nakita. Pati nga yung cellphone na hindi akin, wala din.

Asan napunta yun?

Alam kaya ni Zeze kung nasaan? Hehe, malay niyo baka nakita niya.

Ang cute nung Zeze di ba? Napagpasiyahan ko kasi na iyon na lang itawag ko sa kanya. Ang sabi kasi ni kuya Kyo, mag-isip daw ako ng unique na endearment. At ayun, Zeze ang naisip ko. Kinuha ko sa pangalan niya.

Hindi rin naman sila tumutol.

"Ano may naisip ka ng endearment?"

Masaya akong tumango. "Zeze. " Ilang oras ko din yang pinag-isipan.

"Z-Zeze? Sigurado ka pinag-isipan mo yan?” I mean, marami namang iba. Honey, Love, Sweety, Hubby, "

Biglang sumingit si kuya Onyx. "Ang baduy naman niyan Mr. Japayuki, okay na yung Zeze. Astig. Oo, astig."

"Talagaaa? "

Lumabas ako ng kwarto ko at pagkatingin ko sa kwarto ni Zeze, medyo hindi nakalapat ang pintuan noon.

Bakit kaya?

Kahit isang gabi pa lang ako dito, alam kong hindi siya yung tipo na nag-iiwang bukas ang pintuan ng kwarto. Ni hindi niya nga ako hinayaang makapasok o makasilip man lang kahapon sa kwarto niya noong inakala kong iyon ang kwarto ko.

Pero ngayon...

Hindi kaya napasok na ng magnanakaw ang bahay namin?!

Kaya ba may narinig akong kalabong kanina?

Waaa. Anong gagawin ko? Baka nandito na sa loob yun? Nasaan ba kasi si Zeze?

Nagtip toe walk ako palapit sa kwarto ni Zeze. Medyo inilapit ko rin ang tenga ko sa pintuan para mapakinggan ko kung ano man ang nasa loob.

Married to a Mafia BossWhere stories live. Discover now