Chapter SIX: Trapped

5.8K 137 4
                                    

Chapter SIX: Trapped

Yozack's POV

Huminga ko ng malalim. T*kte. Kinakabahan ako.

Balak kong yayain si bunso ng date. Isang formal date. Hindi yung katulad nung ginawa ko nung isang linggo na nagpasama lang ako bumili ng libro.

Ang naisip ko kakain kami sa labas, manunuod ng fireworks o kaya pumunta sa amusement park. Kahit saan basta mapasaya ko lang siya tutal wala na namang pasok ngayong hapon.

"Bilisan mo Four. Ikaw na lang iniintay. Tsk. Bagal." sabi ni Lucien. Pasimple siyang nakasilip sa may bintana ng classroom nina Four. Ang tagal kasing magsagot ng lalaking yun. Ewan kung ano munang inatupag bago magsagot. Walo na lang ata silang natira sa loob. Andito na nga rin sa labas si Beatrice.

"Excited na me so much. Finally!" kinikilig na sabi ni Beatrice.

"Oo nga. Buti naman nakinig mo na din kami after several years." komento naman ni Lucien.

"Mabuti napag-isip-isip mo na rin." Trinity.

"Ano kayang hangin ang nakaapekto sayo? Alam ko na! Selos ka kay Sir Allen ano?" pang-aasar ni Beatrice. What?! Selos? Eh kahit investor pa siya nitong school, malaki pa rin lamang ko sa kanya. Sa gwapo kong ito.

"Wag mo na asarin si Yozack. Baka magbago pa isip." Lucien

Pinagmasdan ko ang pink bear na may malaking ribbon. Ibibigay ko ito kay bunso kasama nung mga librong pinamili namin.

Naalala ko nung namasyal kaming lahat. Ito yung bear na sobrang nagustuhan ni bunso. Nung uuwi na kami, nagpaalam ako na may pinapupuntahan sakin si mama pero ang totoo binalikan ko ito at binili.

Tiyak magugustuhan ka ni bunso. Pinisil ko ang ilong nito bago muling ibalik sa paper bag na dala ko.

"Four congrats nakalaya ka na." Lucien

"Sira." Four

Pagkarating namin sa may gate kung saan itinext nina Kimmy na mag-iintay sila, sila lang dalwa ni Liana ang nandun. Asan siya?

"Nasaan si bunso?"

"Ah...eh...ano...Kimmy ikaw na magsabi— Hindi. Ikaw na— Kasi...— Ikaw na." hindi tumitingin ng ayos samin sina Liana at nagturuan pa sila na parang mga batang nagtatalo kung sinong maghuhugas ng pinggan.

"Ano nga?" nag-alala na ko.

"Nasan si Aeris?"

"Where's Ae?"

"Naiwan na naman ba ng batang yun ang cp niya?"

"Ka-kasama siya ni Sir A-allen." sinabi ni Liana yun na pareho silang nakayuko.

"Yun naman pala—"

"—ANO?!" Pare-pareho kaming nagulat. Bakit? Paano?

"Pano na si Yozack?"

"Bakit sumama si Aeris?"

"Galing dito si Sir Allen kanina. Nagyayayang mamasyal. Kaya ayun si Aeris na lang ang pinilit ni Liana— Hoy hindi ako— namin na pasamahin. Wag na kayong magalit."

"Sayang. Magyayaya pa naman si Yozack---"

Hindi ko na inintay tapusin ni Lucien kung anuman ang sasabihin niya. Hindi ko maintindihan pero dinala ko ng mga paa ko palayo sa kanila.

Paksh*t. Ito na ba ang sinasabi nilang matinding selos? Naikuyom ko ang kamao ko. Masama ang kutob ko.

Aeris' POV

"We're here."narinig kong sabi ni kuya Allen. Pinagbukas niya ko ng pinto ng kotse. Pagkababa ko, napatingin ako sa paligid. Ngayon ko lang napuntahan ang lugar na ito. Mukha itong paraiso dahil sa dami ng mga bulaklak at puno sa paligid. Mayroon ding lumilipad na mga paru-paro.

Married to a Mafia BossWhere stories live. Discover now