Chapter ELEVEN: Shadows of Past

3.6K 75 6
                                    

Chapter ELEVEN : Shadows of Past

Narrator's POV

Anak pakatatag ka ha? Mahal na mahal kita. At lahat, kahit ano, gagawin ko para sa ikabubuti mo kahit...

Pinilit ni Dolce na hindi maiyak ngunit taksil ang mga luha niyang nag-unahan na sa pagbagsak.

Hinawakan niya ang kamay ni Aeris. Tahimik niyang pinagmasdan ang anak niya.

And in a blink, a part of her mind slowly drove her back to what had happened almost thirteen years ago.

A chapter in her life na kahit kailan ay hindi niya maibabaon sa limot.

Na kahit anong pilit niyang pagtakpan ito, tila damong ligaw na umuusbong ito.

Nakakatakot...

Nakakalungkot...

Ngunit kailangan niyang harapin.

...a nightmare that would forever haunt her...

***

Sunod-sunod na putukan ang narinig nila.

Bang! Bang!

Dinalaw si Dolce ng matinding kaba at takot. Napayakap siya nang mahigpit sa dalawang batang katabi niya.

Bang! Bang!

Kanina lang masaya silang pamilya. Sama-sama pa nga silang kumain sa labas at namasyal sa amusement park.

Pero bigla na lang siyang pinag-impake ng kanyang asawang si Marshall isang oras makaraang umuwi sila sa kanilang inuupahang bahay.

Ayon dito, kailangan nilang umalis at magpakalayo-layo. Bagamat naguguluhan, sinunod niya ang utos ng kanyang asawa.

"Ano ba kasing nangyayari Marshall?!" naiiyak at naguguluhang tanong ni Dolce sa asawa.

Bang!

Hinawakan siya ni Marshall sa balikat. Matiim itong tumingin sa kanya. Tinging may takot at lungkot pero punong-puno ng pagmamahal. "Makinig ka Dolce. Kailangan niyong tumakas ng anak natin."

Married to a Mafia BossWhere stories live. Discover now