Chapter TWENTY TWO: My wife

1.1K 35 6
                                    

Chapter TWENTY TWO: My wife

Aeris' POV

Tahimik lang ako habang nakasunod kay Dean. Hindi ko nakita si kuya Yozack, pero sinalubong naman ako nina Kimmy, Liana, kuya Four at Lucien pagkalabas namin ng hall.

Alam na ng mga kaibigan koo. Huhu. Ang nakakalungkot pa, sa ganitong sitwasyon nila nalaman.

Paano na lang kung kumalat na pati sa labas ng school? Baka masira ang reputasyon ng school namin. Malaki pa naman ang pasasalamat ko sa school na to kasi binigyan nila ako ng pagkakataon na makapag-aral sa isang private school kahit di kami mayaman at di din naman ako matalino.

Nabanggit ko na ba sa inyong kaya ako nakapagtransfer dito nung grade 11 at nakapag-aral dito hanggang ngayon ay dahil binigyan ako ng scholarship ng may-ari ng school na to. Apo kasi ng may-ari ng school na to yung natulungan ko pala dati na muntikang mabangga. Akala nga ni mama ako yung nabangga kasi tinawagan ko siya nun na nasa ospital ako. Nagkagasgas kasi ng konti yung bata na tinulungan ko. Kaya yunn..

Think positive Aeris! Magiging maayos din ang lahat! Tama! Tamaaaa!

Bago kami makarating sa office, bumungad sa amin ni dean ang isang pamilyar na mukha na nag-aabang sa may ibaba ng Maria Concepcion Alcantara Building kung nasaan ang office.

Si Scarlett.

At kasama niya si Rafael.

Waaaaa!

Ibig sabihin ba nito, friends na sila?

Omyghadd. Kahit papano pala, may bright side ang araw na to. ^________^

Nalaman man ng school ang secret ko, naging magkaibigan naman sina Scarlett at Rafael. Ang sayaaa koo.

Thanks G! The best ka talagaa! Hindi mo talaga hinahayaan na maging negative ang lahat.

"Ahmm, dean. Excuse me lang po." sabi ni Scarlett pagkadaan ni dean sa harap niya. Tumingin naman ako kay Rafael at nginitian siya. Ngiti rin ang tinugon niya sakin.

"Yes Ms. San Juan?" tanong ni dean. Ano kayang pakay niya?

Siguro alam na rin nila ang nangyari. Oo nga pala, alam na talaga to ni Scarlett.

"I know the culprit. Alam ko po kung sino ang may gawa nung kanina po sa hall." seryosong sabi ni Scarlett habang diretsong nakatingin kay dean.

Pareho naman kaming nagulat sa sinabi ni Scarlett. Alam niya kung sino ang may gawa nun?

Pero.

Kung sinuman yun, siguro naman may malalim siyang dahilan o kaya may problema siya.

Isa pang pero, hehe.

Kung titingnan naman parang okay na rin na nalaman ng lahat.

Mahirap din kasi pag may nililihim. Mag-eexplain nalang ako kay Zeze. Naniniwala naman akong papakinggan niya ko.

"Okay Ms. San juan. Let's talk about it in my office." sagot ni dean. Nakaka-amaze talaga si dean. Very formal siya palagi. Para siyang kahawig ni dating Sen. Miriam Santiago hehe.

"Raf, punta ka na sa hall. Kailangan ka sa presentation natin."

Tumango naman si Rafael. Nagpaalam siya sa amin at nag-alis na siya. Napatingin naman ako kay Scarlett na nakangiti kay Rafael nung mag-wave ito ng kamay sa malayo.

Lihim akong napangiti. Mukhang level up na talaga ang friendship nina Scarlett at Rafael. Sana masayang masaya na talaga si Scarlett ngayon.

Pagkatapos, sumunod naman kami ni Scarlett kay dean na medyo nakakalayo na pala kaya dinalian na namin.

Married to a Mafia BossWhere stories live. Discover now