Chapter TWENTY FIVE: Vacation Plan

1.3K 21 4
                                    


Enjoy reading!

Chapter TWENTY FIVE: Vacation Plan

Third person POV

Previously on Chapter 24:

"I promise. I will protect you no matter what. Kahit pa, ang sarili ko mismo ang kalabanin ko."

He leaned forward. Gently, he kissed Aeris' forehead. A kiss to seal his promise.

Continuation:

It was a long and gentle kiss.

Matapos iyon, kinarga niya in a bridal way si Aeris patungo sa kanyang kama and tucked her in.

Itutuloy pa rin niya ang ipinangako niya kay Don Falcon, ang lalaking nakita niya sa sementeryo 18 years ago, ang pumanaw na Don ng La Cosa Mafia Clan; at sa kanyang mga magulang na pagbabayarin ang mga pumaslang sa mga taong pinakamamahal niya.

Kung ano ang gagawin niya kay Aeris ay hindi pa niya alam. Ni hindi nga niya sigurado kung tama ba ang nararamdaman niya para dito.

For heaven's sake, Aeris is her cousin!

But, he wouldn't deny to himself that something inside him, like the wind which travels even through the smallest holes, is continuously calling out her name.

Tinungo niya ang veranda matapos niyang maihiga si Aeris. Alas tres y media pa lang ng madaling araw pero parang tinakasan na siya ng antok.


Samantala, sa kabilang dako, sa hindi malamang parte ng mundo, nakaprente sa pagkakasandal sa itim na sofa ang isang matandang lawin. Nakapatong pa ang mga paa nito sa katabing lamesa. Matalas ang mga mata nito at kampante siyang alam niya ang ikinikilos ng kanyang mga sisiw. Ngunit, lingid sa kanyang kaalaman, may isang bagay pa siyang hindi nalalaman. Kung ano iyon, ay wala siyang ideya.

Nakasalpak sa bibig nito ang isang sigarilyo. Ilang sandali lang, tinanggal niya iyon sa kanyang bibig, at unti-unting ibinuga ang mga usok, tila nilalaro ito, at pinagmamasdan niya ang mga usok habang dahan-dahang niyayakap at nalulusaw ng hangin.

Napangisi ito.

He is really enjoying his game. Siya ang lawin. At ang mga sisiw ay nakahanda niyang dagitin anumang oras na kanyang naisin. Kapag dumating ang itinakda niyang oras, walang makakaligtas sa kanyang paningin, wala ni isa.

Napahalakhak ito.

Umalingawngaw sa buong kwarto nito ang kanyang halakhak.


Aeris' POV

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.
Bakit parang iba ang kwarto ko? May nakapa akong unan sa may gilid ko. Base sa pagkakaaninag ko, kulay white yun. Wala naman akong ganitong unan a. Kanino ito?

Hehe. Baka panaginip pa lang ito.

Muli akong napapikit at dumapa sa kama. Parang... iba rin ang amoy ng kama ko a. Ang bangoooo~

Umikot ako para muling makahiga nang maayos.

"Hayyy" hikab ko habang nag-iinat. Pagkatapos, inaantok na bumangon ako habang kinukusot ko ang mata ko.

Nang magmulat na uli ako, doon ko lang narealize na hindi ko nga kwarto ito.

Ohmygadd! Kwarto ito ni Zeze!

Pero, tanda ko sa sofa ako natulog a. Paano ako napunta dito sa kama? B-binuhat kaya ako ni Zeze papunta rito sa kama niya? Ibig sabihin, m-magkatabi kami natulog?

Waaaaaaa!

Bakit ba kasi ako nakatulog?

Sabi ko pa naman, papanuorin ko siya pagtulog. Ano ba yan, Aeris. Hayyy.

Married to a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon