MTAMB Prologue

16.5K 377 38
                                    

MARRIED TO A MAFIA BOSS

Written by: yonalee07

Copyright 2014

All Rights Reserved ®™

Disclaimer: No parts of this story should be changed. Please do not claim this as your own story. Note that the name of the characters, time, place and events are purely imagination by the author. Thank you.

And sorry for the typographical error.

 

 

MTAMB Prologue:


Mahirap maging maganda.

Bawat galaw mo tinitingnan nila.

Magkamali ka, hindi makakatakas sa kanilang mga mata.

Ang mahirap pa, pag gusto mo mangulangot kahit patago...

Hindi mo magawa.

Mahirap maging matalino

Kelangan lahat alam mo. Lahat itatanong sayo.

Lahat gusto mong alamin.

Mismong evolution ng ipis, gusto mong madiscover.

Ay, teka! Hindi ko pala linya yun. Hehe!

Hindi po ako si Eya. Wala lang bigla ko lang naisip yung part na yun kaso naimik ko pala ng malakas, ahehe! Ok. *hingang malalim*

Ako si Aeris. Isa lang akong ordinaryong babae, pero, I am confidently beautiful with a heart at syempre matalino.

Dyan lang ako nakatira sa isang lumang apartment malapit sa tinitirhan mo. Nakakasabay nga kita dati sa dyip, nakakasalubong sa palengke o sa kalye, at bumili ka pa nga dati ng tinda naming goto at mami.

Pero isang araw, nagbago ang lahat nang...

dumating ang isang lalaki...

"Marry me, now." Diretsong sabi niya without taking his eyes off me. Parang natigilan ang buong sistema ko sa pagfunction.

*Loading... buffering...*

Ma-marry me?! Kasal? Eh? Seryoso? Ano 'to, parang facebook kung kelan maibigan agad-agad maglolog in?! hindi! HINDI AKO MAKAKAPAYAG!

Hinigit ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Tapangan na lang 'to. "A-ano?! Gwago ka ba? As in, GWApo ka sana kaso gaGO ka lang. Anong akala mo porket English yun di ko naintindihan? Huh! Hoy, hoy, And why...w-why.., " why,why,why, Delilah? Ano ka ba! sige lang Aeris kaya mo yan konting English pa, "why will I make payag you know, to the liking of you?!" woo~ hindi ko kinaya yun ah.

Nanatiling walang ekspresyon ang mukha niya. Kinuha ko ang pagkakataong iyon at tumalikod na ko sa kanya. Akala ko kung anong mangyayari sa akin. Baliw lang siguro yun. Kaya lang hindi naman siya mukhang baliw. Ang totoo niyan... napakagwapo niya. Those eyes, those---

"I guess, I should kill you right now." Nakarinig ako ng pagkasa ng baril. Boom! Bumagsak ang atomic bomb. Mushroom cloud! Talo na ang mga hapon.

Napalunok ako sa sinabi niya. Parang walang emosyong sinabi niya iyon pero kinilabutan ako. Para siyang monster na bigla na lang manununggab. Literally, natatakot na ko. Waaaa~ paano ba ako napunta sa sitwasyong ito?

"Ahehe!" humarap ako and I display my sweetest smile. "ikaw naman, hindi mabiro." Sabay tapik-sa-braso effect pa. "sabi ko nga tara na eh. Saan ba ang kasalan?"

Waaaaaaaaaaa! Katapusan ko na ba? X_X


***

Hello readers! Sa wakas after one and a half year naedit rin ang story. At ito nga, medyo binago ko. edit ko rin po yung iilang chapters ha? Sorry po talaga sa sobrang katagalan. hindi ko po kasi inaakalang ganto pala kabusy maging isang grade 10 student. at thank you so much din po sa patuloy na support, di ko po ineexpect yun. arigato;) Hope you like it.

schedule of updates? hehe, unknown po muna.


Married to a Mafia BossWhere stories live. Discover now