"Sino ba yung pumapasok!? Nakared na yung ilaw diba?" inis na tanong ni Luke habang inaayos ang slides ng powerpoint sa laptop nya na nakaproject sa harapan nang biglang mapatingin sakin. Natahimik sya sandali at pinagpatuloy ang sinasabi nya. "Meeting adjourned. Please pakiayos ng mga gagamitin para sa Monday." Hindi sa mga officers nakatingin si Luke habang sinasabi yun. Kundi sakin lang naman. Sa. akin. lang.

Nakita ko na naman ang mga mata ni Luke na kakulay din ng mga mata ni Harry Styles sa One Direction. Serene kung tawagin nila dahil nakakakalma talaga. Matangkad si Luke na isa sa mga tipo ko sa lalaki pero sobrang bully nya na ngayon dahil daw masyado ko syang naapi nung mga bata pa kami. Kelan kaya yun!?

Pagkasabi pa lang ni Luke ay umalis na lahat ng nasa loob. May narinig pa akong nagsabi ng " Lagot ka na! "

"Hindi ka man lang binati ng hapi birtdey ng mga yun?" tanong ko kay Luke habang abala naman sya sa pagaayos ng mga ginamit nila para sa meeting. Hindi nagsasalita si Luke nang biglang..

" Aray! Baliw ka ba?!" Binato ko sya ng plastic bottle na nakita kong nakapatong sa lamesa ng conference room nila na saktong tumama sa ulo nya.

"Ano!? Bat di ka nagsasalita!?"

"Wala!!! Gutom lang!!!" pasigaw na sabi nya.

"Sinisigawan mo na ako ngayon?"

"Oo.. Ay hindi pala. " Mahinahon nyang sagot sa tanong ko. Tinulungan ko na ring magayos si Luke ng gamit at sabay na kaming lumabas ng SG room.

"Pinagbake mo nga ako ng cake?" tanong ni Luke na parang isang paslit na nabigyan ng gusto nyang candy.

"Sino maysabi sayo?" kunwaring nagmamaang maangan kong tanong.

"Sinabi mo kaya sa gc kanina nung susunduin nyo si Luna..." at nagwink sya pagkatapos sabihin yun. " ..sana blueberry cheesecake ang binake ni Bela...sana blueberry cheesecake..." paulit ulit na bulong ni Luke habang nakafinger-crossed.

Red velvet nabake ko. Nakupo. Patay tayo dyan!

Nginitian ko na lang si Luke at sumakay na kami sa sasakyan. Nakatulog na rin pala si Hannah sa sobra sigurong pagod sa byahe lalo na sa traffic at init sa kalsada kanina.

At buo na ulit ang barkada. Umupo si Luke sa tabi ni Luna. Tinitigan nya muna ito at mula sa balikat ni Hannah ay inilipat nya ang natutulog na si Luna sa balikat nya.

"Oh bakit!?" nahuli ako ni Luke na nakatingin sa kanya mula sa rear-view mirror.

"Walaaaaa" Umiling lang ako at nangaasar na ngumiti.

"Hay nako!" nahihiyang sagot naman ni Luke at nagtawanan kaming tatlo nila Papa na nagmamasid din pala sa ginawa ni Luke.

"San tayo sunod na pupunta anak, ididiretso ko na ba kayo kina Hannah?" tanong ni Papa.

"Opo, Pa. Overnight po kami sa kanila ngayon kasi birthday po
ni Luke." paliwanag ko naman habang kalong ang cake na binake ko para kay Luke. Mabuti hindi nya napapansin na hawak ko na. At hindi pa sya nadidismaya na red velvet ang nabake ko para sa kanya.

"Aba naman. Happy Birthday, Luke!Magbabait at nagbibinata na. Marami nang chicks." patawang bati ni Papa kay Luke.

"Thank you po, Tito! Hindi nga po ako nagcecelebrate ng birthday sila lang mapilit."

Ang awkward ng sitwasyon na to. Promise.

"Dapat laging cinecelebrate ang birthday natin kasi hindi naman natin masasabi kung next year makakapagcelebrate pa ba tayo kasama ang mga mahal natin sa buhay."

Mas awkward pala to. Parang gusto ko na lang bumaba ng sasakyan. Susunod na lang ako ganun.

"Oo nga po eh, tito. Narealize ko din. A thing I always took for granted, sobrang importante pala talaga sa iba."

Tama na pleasssssse. Sobrang... i can't stand this awkwardness anymore.

"Buksan natin yung radyo. Para kasing ano.. ahhmmm... parang ang gaganda ng mga kanta ngayon, noh?." binuksan ko ang radio kahit di ko naman alam pinagsasasabi nung VJ kasi static lang naririnig ko. Para lang naman maiba ang ambience sa loob ng kotse. At buti na lang talaga malapit lang ang bahay namin mula sa school at salamat sa nakaisip maglagay ng radio sa kotse. Lifesaver!!!!





Red StringWhere stories live. Discover now