"Gurl, baka mapasukan ng langaw yang bibig mo! Ganda ko noh? Gandaaaa!!!!" sabi ulit ni Luna.
"Gurrrlll ang ganda ng lipstick mo! Ganyan yung kulay na nakikita ko sa Kdrama. Grabe. Yung ano.. kapag may mga scene na magsasampalan yung mga bida? Gusto ko din nyan. Grabe talaga......" napatakip sya ng bibig na parang naiiyak "....yan yung lipstick ni Jennie Kim dun sa Kill this Love nilang music Video!!! Omg kamuka mo si Jennie!!! yung part na Rampapampapampapaaaammmm"
at nagsayaw nga sya ng dance steps ng Blackpink.
Napailing na lang kami ni Luna at habang sumasayaw si Hannah na umiikot ikot pa ay nauna na kami ni Luna sa paglalakad. Tawang tawa parin kami sa pinagagagawa ni Hannah.
"So san tayo? birthday ngayon ni Luke, diba?" tanong sa akin ni Luna.
"Oy, iniwan nyo nako grabe kayo! Wag kayo pupunta sa bahay mamaya ha. Kami lang ni Luke. Solo ko sya. Nakoo!" biglang sumulpot si Hannah.
Sa apat na taon, kina Hannah kami lahat nagcecelebrate ng birthday ng kahit sino sa barkada. Una sa lahat, ayaw ni Luke pumunta sa bahay namin. At ayaw ko rin naman pumunta kina Luke dahil makikita ko na naman ang headmistress ng school na Mommy naman nya.
Pangalwang dahilan, hindi naman kami pwede kina Luna kasi "No Boys Allowed" sa bahay nila.
Kaya pasalamat talaga kami na welcome kami sa bahay nina Hannah. Si Hannah na lang kasi ang nagiisang anak na andito sa Pilipinas. Yung tatlong kapatid nya pinalad makapagasawa sa Abu Dhabi at Spain. Kaya ayos lang daw na kami muna ang magpuno sa kanilang tatlo sa bahay, tatlo din naman kaming kaibigan ni Hannah.
"Sabi ni Luke kung pwede daw sunduin na lang din natin sya sa school para sabay sabay tayong magcecelebrate." paliwanag ko naman sa kanila.
"Sige daanan na lang din natin si Luke kung okay lang sa inyo. Uy, Bela. thank you sa inyo ni Tito Alex sa pagsundo ha. San ba sya nakapark?" tanong ni Luna habang nakayakap sa balikat ko.
Dahil konti lang ang distansya namin sa isat isa ay amoy ko na kaagad ang shampoo ni Luna na amoy jasmine. Ito ata ang sikreto niya para sa kanyang healthy curly hair na halos umabot na hanggang bewang. Parang buhok ni Mama Mary.
Tinext ko si Papa para daanan nya na kami sa exit ng airport at masundo na ang birthday boy sa school.
Medyo traffic pa rin at napakainit pero walang makakapigil samin para magcelebrate ng birthday ni Luke. Si Luke naman, ayaw nyang nagcecelebrate ng birthday kaya ginagawa lang naming simple ang selebrasyon para sa kanya. Konting handa tapos kami kami lang apat sa bahay nina Hannah. Kwentuhan after kumain, magluluto ng popcorn, manonood ng movies tapos tutulog. At pakiramdam namin kami na ang pinakamasya.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa school. Alam ko namang pagod si Luna galing sa byahe at nakatulog na rin sya sa sasakyan habang nakasandal kay Hannah at kelangan ko rin namang bumawi kay Hannah dahil late ako kanina kay ako na lang nagvolunteer bumaba magisa.
"Gurl ingat ka!" sigaw ni Hannah habang nagmamadali akong bumaba ng kotse para sunduin si Luke.
Pagdating ko sa Student Government Room ay napansin kong nakailaw ang red light sa taas ng pinto, ibig sabihin may meeting pa sila sa loob kasama ang lahat ng members at commissioners. Karaniwang meeting ito nina Luke bago magsimula ang pasukan para mas makapaghanda ang lahat lalo na sa pagwelcome ng mga freshmen.
Napalingon ako nang biglang naggreen yung ilaw. Kaya kumatok muna ako at binuksan yung pinto.
Nagulat ako nang biglang nakatingin sakin lahat ng members ay officers samantalang ako kay Luke lang naman nakatingin.
DU LIEST GERADE
Red String
JugendliteraturMay isang paniniwala na ang bawat tao sa mundo ay may nakataling invisible red string. Ang red string na ito ay konektado naman sa taong makakasama nya sa mga importanteng bahagi ng kanyang buhay. Ito ay maaaring magbuhol, mahila ngunit hinding hin...
Chapter 1
Beginne am Anfang
