Kung Saan Tayo Nagsimula

70 7 2
                                    

Ni; Dimawari

Disclaimer: This is based on real life story 😊 Dedicated to a Special Someone

Sa paaralan ang ating unang pagkikita
Simula palang ating estado ay hindi na talaga magkatugma,
at nang tayo'y nagka-klase sa di inakala.
Pero ganun parin, parang aso't pusa ang trato sa isa't isa.

Sa aking pananaw, ikaw ang pinakahayop na ginawa ng Panginoon.
Hayop na s'yang makakasugat sa aking pagkatao't pangalan,
at ikaw din pala, ang hayop na magbubukas sa pagmamahal na pinaka-iingatan
Nagbago aking nararamdaman, simula ng ating pagtatagpo, ito'y di maintindihan.

Ilang araw hindi ka pinansin, ni sulyap hindi ko ginawa
at nang isang gabi labis akong nabigla
Nag-text ka, at ako'y naguluhan, saaan mo nakuha number ko hayop ka.
Nalaman ko, naghanap ka ng paraan para lang number ko ay makuha.

Doon nagsimula ang ating relasyong parang epiko
Naglakbay ka ng ilang bundok at ang kapangyarihang pag-ibig ay dumapo sa iyo.
Dumating ang araw, relasyon natin nalaman ng mga tao.

Silang lahat, ayaw sa'yo, sabi nila wala kang kwenta pero di ako naniwala at nagpatalo

Relasyon nati'y parang Rome at Juliet na storya at Love story na kanta.
Maraming gustong paghiwalayin tayo, isa na doon ang aking pamilya
Nagkagulo at nagkaengkwentro pa kayo nila kuya at ina
Silang lahat kotrabida, subalit hinigpitan ang kapit sa isa't isa.

Ilang taon na ang nagdaan at hindi ko pinagsisihan ang pagkapit sa iyo
Sabi mo noon,"gusto ko maging karapat-dapat sayo"at ikaw nga ay nagbago
iyong iniwan ang lahat na bisyo,
at nag-aral ka ng mabuti kasama ako.

Hindi ko talaga makalimutan ang mga pinagdaanan.
Na sya'ng dahilan kung bakit may tayo sa kasalukuyan.
Pero hindi ko ito isinulat para balikan ang nakaraan.
Isinulat ko ito para ipaalala kung gaano kita kamahal aking kasintahan.

The UntoldWhere stories live. Discover now