Ang Aking Puno (Araw ng mga Ina)

28 6 0
                                    

Ni: DIMAWARI

Lahat ng nilalang ay nagmula sa sinapupunan ng isang magiting na ina,
lahat ng anak ay galing sa isang kanlungan ng isang buhay.
Ina, ikaw ang nagbigay sa akin ng buhay na biyaya ng Diyos,
lubos aking pasasalamat dahil ako’y iyong iniluwal. Nang ako’y magkaisip at nakita ang mundong ibabaw na kahit puno ng karimlan at kahiwagaan ay labis ng biyaya at pag-ibig.
Ako’y iyong kaputol, dugo’t laman,
simula nung una ako’y minahal,
kay palad ng isang anak sa magulang
sapagkat inuuna ang kapakanan.
Pag-aaruga mo’y walang kapantay,
walang kapalit, walang hinanakit
talagang puno ng pag-ibig,
mga aral, mabuting gawi iyong pinunla sa akin, dahilan kung bakit yumabong na masagana
at may makukulay na dahon iyong marikit na bunga. Ang lahat ng ako ay bunga ng iyong kadakilaan at pag-ibig.
Ika’y biyaya sa akin ng maykapal,
walang pagsisidlan ang aking pagpupunyagi
dahil ikaw aking ina,
kung may walang katapusan, iyo’y aking pagmamahal at pagpapasalamat sa iyo aking kanlungan-
karamay at sandigan.
.
.
.

-DIMAWARI 052321

The UntoldWhere stories live. Discover now