Transferee

1 1 0
                                    

Unang katok, sanlibong kabog ng dibdib
Iyan ang unang tunog, tungo sa kwentong pag-ibig.

Pagkabukas ni titser sa pinto, tila lahat napahinto.
Sa paghakbang papasok, gustong sumuksok sa sulok.
Parang kay layo ng upuan, ramdam ko na mga titigan.
Sa wakas, naka-upo na, nang napagtanto ko na nanaman ang bagong problema.

Ang magpakilala.

Magpakilala sa harap ng madla
Hay naku! tila umurong aking dila.
Hingang malalim, isa hanggang anim..

A-ako si...

"Transferee!"
Isang salita na nagpawala ng aking kaba.

Napakamot ang nagsalita, lumingon sa akin banda.
Humakbang. 'dug-dug, dug-dug'
Te'ka, bakit ganito aking nadarama?
Huwag kang mag-ingay tang'nang puso ka, baka marinig ka.

Inabot niya ang kanyang kanang kamay.
"Andrei" sabay labas ng kaniyang biloy sa pisngi.
Tila nananawag- 'isang halik pahingi'
Ay takte! hindi makagalaw si ante

Isang bilyong segundo bago ko naabot ang kanyang kamay.
Sakto lang nang may kumatok, at iyon ay ang aking nanay.

"Anak, baon mo"

At nagwakas ang aking sana'y love story.
.
.
.
240212
Sulat ni: @Dima_wari

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The UntoldWhere stories live. Discover now