Kaibigan Lang

13 2 0
                                    


Kaibigan, ang salitang namamagitan,
ang salitang ayaw kong bitawan.
Sa kabila ng aking nararamdaman,
Desidido na maging kaibigan.

Kaibigan, na manhid.
Na palaging sakit ang sa akin ay hatid.
Hindi alam na kay tagal kinimkim.
Pagtingin, na gustong limutin.

Kaibigan, hindi mo alam.
Na iyong pagtingin, inaasam.
Na nabighani sa unang sulyap,
Na nanginig sa unang yakap,

Hindi mo pansin,
Na palaging dinadalangin.
Ngiti mo at pagtawa ay sa akin.
at nawa, akoy ibigin.

Subalit, tila natakot na.
Ayaw nang maulit ang nangyari na.
Tako na ang damdamin.
Dahil nasaktan na, sa unang pag-amin.
.
.
.
-Dima_wari
151121

The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon