Chapter 28

331 17 0
                                    

Chapter 28

NAKATINGIN lang ako sa numerong nasa clock of death. Nagulat nalang ako ng mabilis itong nabawasan at naging pito hanggang sa naging anim ito ng gano'n kabilis. Napatayo ako at sapo ang mukha, dahil kahit ano man ang tatag ng paniniwala kung buhay pa ang mga ito ay wala, tama padin talaga si, Stacey lahat ng kaming naririto ay nasa hukay na ang isang paa, wala kaming kasiguraduham kung mabubuhau paba kami, buhay o makawala. Tinanggap ko nalang ang mga sinabi ng mga ito sa'kin, simula't sapul naman, eh tama ang mga sinasabi ng mga ito at ako lang 'tong matigas ang ulo.

"Umalis na kayo Sabrina, ako ng bahal dito. Alam kung papunta na ang mga 'to sa'kin at mabuting umalis na kayo ng mabilis, dalian niyo." Muli akong naluha dahil sa sinabi nito at hinawakan ito sa kamay.

"Susunod ka, ah. Susunod ka, Stacey aantayin kalang namin do'n sa court." Tumango lang ito at inalalayan kunang tumayo si, Gracy dahil kumikirot padin daw ang nabaril dito. "Stacey, susunod ka diba?"

"Hindi ko maipapangako yan, Sabrina basta magingat kayo ni, Gracy. Gagawin ko ang lahat para mapigilan ang mga 'to at pangako ko, Sabahit hindi muna kami kasama, andito padin kami sa tabi mo, hindi kami mawawala, Pangako" At ngumiti ito samin at mabilis kaming umalis ni Gracy. Hindi na ako muling lumingon at masasaktan lang ako kapag muli pa akong lumingon dito at hindi na kakayanin ng loob ko.

"A-ate, natatakot po akong baka ako na ang susunod-"

"No, hindi. Ako ang pipigil kila Diane, Gracy. Hindi ko hahayaan na ikaw din, iiwan ako. Ikaw din mawawala, diba pinangako ko sayo na proprotektahan kita." Habang inaalalayan ko ito sa paglakad ay parang matutumba nadin ako at kaunti nalang bibigay na ako.

"Pero ate, mahina na'ko, hindi kuna kayang lumaban, magpapahabol nalang ako s-" Tinikom ko ang bibig nito gamit ang kamay ko.

"No, ayaw ko na ikaw din, Gracy. Mawawala na'ko sa isip ko, mababaliw na'ko." Saad ko dito at inalis ang kamay ko sa bibig nito. "Tara na, Gracy. Antayin natin do'n si, Stacey."

Tumango ito sa'kin at dumiretso na kami ng lakad.

--

Third Person's POV

IPINUWESTO ni Stacey ang RPD at ng maipuwesto niya ito ay inihanda niya na ang sarili dahil parating na ang mga ito sa kanya, hindi naman siya nagkamali at nakita sila, Diane at Jacqueline na natitira pa at isang babae na armado din. Itnutok ni Stacey sa babaeng kasama ng mga 'to at ipinutok niya ang baril. Napaupo ito ng matamaan niya ito sa tuhod at biglang nagtaasan ang baril nila, Diane at Jacqueline at ng nakita si Stacey ng mga 'to ay binaril siya at mabilis namang nakaiwas si, Stacey at iniwan ang baril. Kinuha niya ang pistol sa tagiliran at lumabas at nagpaputok din.

Nakita ni Stacey ay buhat ni, Jacqueline ang babae at inaalalayan ito at nagpaputok naman siya do'n at hindi na ito nagulat ng iniharang bigla ni, Jacqueline ang babae. Mabilis na umiwas agad si, Stacey ng paputukan siya ni, Diane. Tumingin si Stacey at nakita niyang papasugod na ang mga ito sa kanya.

"Ikaw naman ngayon ang sakripisyo nila, Stacey? Nakakalungkot naman pabawas na kayo ng pabawas at, gusto ko 'yon." Saad ni Diane kay, Stacey.

"Hindi lang naman kami ang nababawasan, Diane. Pati ang kasamahan mo, eh nauubos na at uubusin ko kayo ngayon dito!" Humalakhal naman si, Diane sa sinabi ni, Stacey.

"Wala naman kaming pakielamanan kung sino ang mabubuhay at mamamatay, swerte mo lang at namatay na sila, Olivia at Almira kung hindi baka sila ang pumatay sayl ngayon. Tsaka nga pala, kaibigan mo din yung dalawang bakla na pumasok sa isang silid diba? Pinasunog ko lang naman sila at nakakatawa na naririnig sila habang sumisig-." Hindi napigilan ni, Stacey at lumabas siya at binaril siya ni, Diane at napasalampak naman ito.

Lumapit si, Diane dito at tiningnan kung may susi ito pero wala siyang nakita at niyaya na si, Jacqueline na sundan sila, Sabrina.

Maglalakad na sana si, Jacqueline ng biglang may kamay na humatak sa paa niya at nakita si Stacey at may hawak itong granada sa kamay.

"Hindi pa tayo tapos!" Sigaw ni, Stacey ng ubod ng lakas at napalingon si, Diane dito.

Hhinigpitan pa nito ang hawak sa paa ni Jacqueline at biglang hinatak ni, Stacey si, Jacqueline hanggang sa napaupo ito at tiningnan ito ni, Stacey ng nakangisi.

"Magsasama tayo sa Impiyerno, Jacqueline. Magsasama tayo!!" Nakangising saad ni, Stacey at tumingin si Jacqueline kay Diane para tulungan siya pero iniwan nalang siya nito.

"Hindi, Hindi!!" Sigaw ni, Jacqueline at biglang sumabog ang granda.

--

1 chapter and Epilogue.

By:LoveisBlind2209

Imperial Academy(school of demons) (✔Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon